CHAPTER 20

5.6K 119 13
                                    

Hindi lumalabas ng kanilang bahay si Paige.Tatlong araw na din matapos ang hindi magandang tagpo nila Aidan.Wala na siyang balita kung nakakadalo pa ba ito sa ilang araw na natitira para sa graduation practice nito.Sariwa pa din sakanya ang sakit na ginawa nito.Wala siyang gana kumain at mas gusto niya pa ang mapag-isa sakanyang silid.Nang malaman ng ina at kapatid ang kabuaan sa tunay na mga nangyari ay hindi nakatiis ang mga ito na ipaalam iyon sakanilang ama.Nagalit ang mga ito kay Aidan at Ethan.Ngunit hindi iyon nagtagal dahil isang araw lang ang lumipas gusto na ng mga ito na kausapin na niya si Aidan.Mahal daw talaga siya nito at tooo ang lahat ng mga pinakita nito sakanya.Hindi niya alam kung bakit sinasabi iyon Monica gayong alam naman nito ang tindi ng panloloko na ginawa sakanya ni Aidan.Hindi niya naririnig ang buong paliwanag nito dahil siya na ang nagpapatigil dito.

One lie is enough.At hindi na iyon dapat pang masundan.Isang beses na nagtangka si Aidan na kausapin siya ngunit hindi niya ito pinagbuksan ng pinto.Kahapon lang ng bisitahin siya ni Cecilia at Juliano ngunit ang mommy niya na lang pinapakusap niya sa mga ito.Hindi pa siya handa na humarap sa kanino man.Hindi niya alam kung hanggang saan ang pagmamatigas niyang iyon.Ngayon pa nga lang masyado na siyang nagungulila kay Aidan.Lalo na sa tuwing ginugulo nito ang kanyang buhok.Ang malambot nitong kamay na laging humahawak sakanya.Ang malawak nitong ngiti na laging nagpapasaya at kumukumpleto sa araw niya.At ang boses nito na hindi nagsasasawang magsabi kung gaano siya nito kamahal.

Hayan na naman at nagsisimula na naman ang parada ng luha sakanyang pisngi.Sa kabila ng ginawa nito hindi nabawasan ang pagmamahal niya dito.

Pinahid niya ang tubig sa mukha bago tumayo at pagbuksan ang taong kumakatok sakanyang silid.

"Ethan?"

"I’m sorry Paige.I know I was wrong.Binigla kita sa lahat.Kung hindi ko pinangunahan si Aidan sana hindi ka nabigla at hindi naging padalos-dalos ang mga nangyari.I thought I still have the chance to be with you.Na mahal mo pa din ako at wala ka pang nararamdaman para sa kapatid ko.” Nagbaba ito ng ulo. “Lagi nalang akong nagsisisi.I’m such a dolt!"

She placed her hand on the corner of his shoulder.Kung tutuusin wala naman itong kasalanan dahil hindi ito nagsinunangaling sa isiniwalat nito sakanya.Ang mali lang nito ay nang hindi nito tuparin ang binitawang salita nito sakanya noon.Iyon ang dahilan kung bakit magulo ang sitwasyon nila sa kasalukuyan.Pero wala na iyon sakanya.Natanggap niya iyon sa tulong ni Aidan.

Inabot nito sakanya ang isang puting sobre.

"Pinapabigay niya sa'yo.Nag-iimpake na siya ngayon.Babalikan niya si Hannah.Alam kong mahal ka niya Paige.Kaya nagtataka ako kung bakit kailangan niya iyong gawin.Kung hindi mo siya pipigilan baka parehas lang kayong magsisi."

"Hayaan mo siya.Mahal niya talaga ang ex niyang ‘yon.Hindi niya naman talaga ako minahal.Pagmumukhain ko lang tanga ang sarili ko kung sakali mang pigilan ko siya." Sinugpo niya ang hikbi. "Mag-isip ka ng tama Paige.Kung ano ang tunay mong nararamdaman iyon ang sundin mo."

Hindi ito nagtagal at nagpaalam na aalis na.Sinara niya ang pinto.Sinandal niya ang sarili doon.

"Bakit ba babalikan mo pa ang Hannah na iyon? Hindi mo ba talaga ako mahal!" pagmamaktol niya sa sobreng hinagis sa lapag.Tatlong araw na lamang at graduation na ni Aidan.Hindi niya yata matanggap na si Hannah ang magsasabit dito ng medal nito.

Napahagulgol siya.

Hindi niya naman sinasadya na sabihin dito ang bagay na iyon at hindi niya gustong balikan nito ang babaeng iyon.Walang dahilan para basahin niya ang sulat ng sinungaling at manlolokong lalaking iyon!

Lumipas ang tanghalian, meryenda, hapunan na ipinagwalang bahala ni Paige ang sobreng nakakalat sa sahig.May kung anong  kapangyarihan na nagtulak sakanya upang pulutin iyon nang umagang magising siya.Hindi niya namamalayan na binubuksan na niya iyon.Sinimulan niya ang pagbasa.

The Promise (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon