2.7K 115 49
                                    

Mundo.
All Rights Reserved 2013 dumbhyungs


Hi, ate summer! <3

* (^▽^) *

✘✘✘








Tumingin siya sa akin, tumingin rin ako. Nagkatinginan lang kami doon, habang rinig na rinig ko ang sigawan at tilian ng mga kaklase ko.


"Mahal kita, Ella." Sambit ni Paul na siyang ikinagulat ko. Mahal niya din ako? Ay este, mahal niya ako? Paano? Bakit? Kailan pa?


"Huh? B-Ba't naman ako? Bakit ako?" Tanong ko na tila'y hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Actually, hindi talaga ako naniniwala. Aba, ang isang tulad ko na childish, mamahalin niya? Oh c'mon. Hindi ako yung tipo niya. Gusto niya 'yung katulad ni Claire.


"Oy Paul, baka naman si Claire talaga ng iyong love-love-love at hindi ako? Pfft. Nagpapatawa ka yata eh." Dugtong ko pa na parang natatawa. Biglang sumeryoso mukha niya. Kinabahan ako bigla. Pati yung mga kaklase ko, natahimik at titig na titig sa aming dalawa.


"Seryoso ako, Ella. Ikaw ang mahal ko. Si Claire? Oo, maganda siya. Pero para sa akin, ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng nakilala ko. Oo, matalino siya. Pero gusto ko yung katalinuhan mo. Hindi ka ganun pala-aral, pero nananatili pa rin sa utak mo yung mga pinag-aaralan natin. Oo, open-minded siya di gaya mo. Pero gusto ko yung pagiging inosente mo. Oo, mature na siya mag-isip. Pero gusto ko yung pagiging childish mo. Ang cute mo kasi. Oo, mabait siya. Pero masmabait ka pa rin sa kanya. At oo, crush ko siya. Pero noon lang yun, kasi ikaw lang talaga." Mahabang sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Ewan ko, pero parang nagteteary-eyed na ako. Bakit ba ganto siya? Bakit kasi ang effort niya masyado?


Paano ba naman, nakipag-kuntsabahan sa adviser at sa mga kaklase namin. Tapos, may nalalaman pang papiring-piring ng mata. Buti nga't inalalayan niya ako habang naglalakad, tas ngayon, andito kami sa garden. At nakakatuwa, kasi bumungad sa akin yung mga kaklase kong may hawak na pulang lobo na korteng puso. At doon sa lobo na yun ay may nakalagay na 'I LOVE YOU ELLA'.


Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ewan. Kasi ang alam ko talaga, si Claire ang gusto niya. Palagi nalang si Claire ang binabanggit niya kapag nagkwekwentuhan kami. Kesyo si Claire daw ay ganun, ganyan, ganito. Ano ba! Hindi niya ba alam na nagseselos ako? Huhu! Ang sakit kaya.


"Pero..." Alinlangan kong sabi, at hindi ko nga alam kung itutuloy ko pa yung dapat kong sabihin. Eh, hindi ko talaga alam kung maniniwala ba ako at saka matutuwa.


"Mahal mo rin naman ako, hindi ba?" Tanong niya. Agad akong napatingin ng deretso sa kanya, at nagsihiyawan na naman yung mga kaklase ko.


"Oo, mahal kita. Inaamin ko. Kaso, hindi ko alam kung.. hay. Hindi ko alam kung maniniwala akong mahal mo ako." Nakita kong napangiti siya dahil sa sinabi ko. Aba, nangiti pa siya nun kahit pinaghihinalaan ko yung pagmamahal niya sa akin. Ih, pagmamahal daw oh. Chos!


"Gusto mo ba... patunayan ko?" Tanong niya kasabay nito ang pagngiti niya na labas na labas yung dimples niyang malalim. Ay potek, pwedeng mahimatay? De joke.


"Oh sige nga daw." Panghahamon ko sa kanya with matching cross arms. Nagsigawan ulit yung mga kaklase ko, at chinicheer si Paul.


Ngumiti siya, "Gusto mo, ipagsigawan ko sa mundo na mahal kita?"


"Owws? Kaya mo?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.


"Oo naman." Confident na confident niyang sagot.


''Edi gorables." Sabi ko sabay smirk. Huh, kapag nagawa niya yan, maniniwala na talaga ako. Hinding hindi ako magdududa.


Bumuntong hininga muna siya, at saka lumapit sa akin. As in yung tipong 2 inches nalang at magkakabungguan na yung mag ilong namin. Hala!


Napapikit ako nang maramdaman ko ang kanyang hininga mula sa tenga ko.


"Mahal kita, Ella." Bulong niya. Nagtilian ang mga babae kong kaklase, at nagkantyawan naman yung mga lalaki kong kaklase.


Napalayo ako sa kanya, at nakita kong nakangiti siya ng kalapad-lapad. "Akala ko ba, sa buong mundo. Eh bakit mo sa akin sinabi? Binulong mo nga lang eh."


Ngumiti na naman siya, at saka ginulo ang aking buhok.





"Eh kasi, ikaw ang mundo ko."

MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon