Bob Ong Quotes (Ang Paboritong Batok sa lahat)

2.9K 18 1
                                    

A/N; pinost ko po ang mga quotes na ito from the famous author na si Bob Ong para sa mga walang kamalayan sa mundo. HAAHA..

Alam kong malaking sapak to sa karamihan lalo na sa mga may pinagdadaanan, mga emongoloid, o yung iba naman ay feeling broken. ajuju. :3

Oh.. magsawa kayo. ano po? :)))

#1

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!” - Bob Ong

#2

Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon. - Bob Ong

Bakit kasi may mga taong hindi makuntento sa isa. Bakit may mga taong alam ng may karelasyon ung isa, nilalandi pa nila. Hayyy.. Sa mundong ito, para maging balanse kelangan ng mga katulad nila. Di naman talaga maiwasan na humanga ka sa iba kahit meron ka ng minamahal. Pero sana alam natin ang limitasyon natin. May maidudulot bang maganda kung sakaling magkaron pa tayo ng iba? Lahat tayo magkakamali, pero sana matuto tayo sa pagkakamaling ito.

#3

Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya. - Bob Ong

Wag kang paasa! Un lang un eh.. Pasweet-sweet ka sa tao pero para sayo wala lang yun, eh ano sa tingin mo nararamdaman nung kabilang kampo? Hindi mo namamalayan nahuhulog na pala sya sayo. Simple lang, kung kaibigan lang ang turing mo kanya, umasta ka bilang kaibigan. Para wala kang masasaktan at bibigyan ng problema.

#4

Wag ka maniwala sa kasabihan na: Kung mahal mo, pakawalan mo. Mahal mo nga eh, anong katangahan bakit mo pakakawalan? - Bob Ong

Sa tao, di maiiwasan minsan maging martir. Kahit na ikaw ung makaranas ng sakit ok lang mapasaya mo lang ung tao na minamahal mo. Eh ikaw? magdurusa ka na lang? Kelangan minsan tayo, magkaron ng tapang sa sarili upang di masaktan. Ipaglaban mo hanggang sa kaya mo. Pero wag umabot sa point na parang aso ka na hahabol -habol. Isipin mo din ang sarili mo. Kung talagang wala ng pag-asa, tigilan mo na. Mahalin mo ang sarili mo at sabihin mo di ka nagkulang dahil nagawa mo syang ipaglaban.

#5

Kung di ka kayang suklian ng taong minamahal mo, siguro ay wala talaga syang barya kaya wag kang magbigay ng buo. - Bob Ong

Kapag nagmamahal ka, kelangan magtira ka ng para sa sarili mo. Hindi pwedeng buong mundo mo ay umiikot lang sa taong ito. At kung alam mo na yung taong minamahal mo ay walang maisusukli na pagmamahal para sayo, tigilan mo na lang dahil ikaw lang ang masasaktan.

#6

Mahirap paaminin ang ayaw umamin. Pero madaling mapansin ang ayaw nyang aminin- Bob Ong

Kapag ayaw mabuko, todo itatanggi mo. Ok lang yun kung nahihiya kang aminin, pero kung obvious naobvious naman na gustong-gusto mo sya dahil lagi mong binabanggit pangalan nya, lagi mong napapansin pag dumadaan sa harap mo, ultimo pabango nya naamoy mo, ay nako wag mo ng itanggi kasi halata na at masasabihan ka lang sinungaling. Malay mo pag nalaman pala nya gusto mo sya at gusto ka rin nya at nagkakahiyaan lang kayo…. sa huli kayo din pala ang magkakatuluyan.

#7

Madalas ang wrong send ay hindi naman talaga wrong send at ang blank text ay hindi naman talaga napindot lang…ganyan mag papansin ang ayaw mag first move. - Bob Ong

Msyadong mataas ang pride at ayaw masabihan na sya ang unang gumawa 1st move. Alam na nila yang GM at wrong send na pakulo na yan kaya wag mo na lang itry. Eh ano naman kung mangamusta ka? Walang masama diba, kung deadmahin ka eh di senyales na yun na tigilan mo na. Oh kung msyado syang suplado/suplada deadmahin mo na lang kesa naman magmukha kang naghahabol. Giving a try is ok, pero kung OA na di na magandang tignan. 

#8

Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba. - Bob Ong


Magkaron sila ng sariling mundo ang iniintindi ng ibang tao. O kaya masabi lang na di sila cheap iniiwasan nila. Kelangan din natin makihalubilo sa iba, kahit na mahirap o mayaman yan, magulo man o tahimik yan. 

#9

Mas madaling manahimik. Mas ligtas magtago ng opinyon. Mas kumportableng hindi magsalita. Pero may mga tao noon na hindi nakuntento sa mga “mas” na yan.- Bob Ong


Ang opinyon free yan… Ok lang magbigay ka kahit kelan, kahit saan, kahit sa anong paraan basta tandaan mo lang maging sensitibo ka sa pagbibigay nito. Kung alam mong makakasakit ka try mong itago na lang yan, o kung talagang di mapigilan ang matabil mong dila, try mo lang na ayusin o pagandahin, yung tipong di ka makakasakit pero naibigay mo ung gusto mong iparating. 

#10

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.  Bob Ong


Sa buhay natin, hindi pwedeng lagi tayong sagana, laging bigo, laging masaya o laging malungkot. I-expect na natin na darating at darating sa buhay natin yan kahit anong iwas pa ang gawin mo. Kaya nga nasasabi nilang ang buhay ay parang gulong, minsan nasa taas ka minsan nasa baba. Nasa sa atin na lamang kung pano natin panghahawakan ang buhay. Kung bigo ka, humanap ka ng paraan para makabawi. Kung malungkot ka humanap ka ng magpapasaya sayo. Huwag mong isipin na bigo ka o malungkot ka ngayon hindi kana makakabangon o sasaya. Enjoy lang ang buhay.:)

Bob Ong Quotes (Ang Paboritong Batok sa lahat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon