[A/N: This was originally written in English but then I decided to translate in Filipino (though not purely). Wala lang..]
-= Empty Seat: Her Story =-
Napakaganda ng panahon ngayon dito sa Tokyo, Japan. Medyo na-miss ko ang malamig na temperatura nito lalo na tuwing winter kung saan umuulan pa ng niyebe na hindi ko naranasan sa bansa namin. Habang nakatayo ako sa may bintana ng bahay ay nakangiti kong pinagmasdan ang pagsibol ng araw.
Matagal-tagal ding nanirahan ang pamilya namin sa bansang ito. Nasa elementary palang ako nung lumipat kami dito kaya dito na ako nag-aral ng high school. Bago naman ako pumasok sa University ay bumalik na uli kami sa Pilipinas.
Simula nun, taon-taon na lang akong pumupunta dito para lang panoorin ang Hanami Matsuri o ang pagse-celebrate sa kinikilalang puno dahil sa napaka-gandang taglay nito lalo na kapag full bloom.
Sino ba naman ang hindi pa nakakakilala sa Cherry Blossoms o Sakura Tree??
Siguro marami pa rin lalo na yung mga hindi Otaku o hindi mga nanonood ng mga Anime at Jdorama o Japanese dramas.
At dahil sa pagkabighani ko sa Sakura Trees ay taon-taon ko talaga itong pinupuntahan. Nakagawian ko na rin ito, wala kasi sa bansa namin eh. Binalak ko sanang magtanim sa bakuran namin pero imposibleng mabuhay ang mga yun sa isang tropical region. Pero merong isang klase ng puno sa kinalakihan kong lugar sa probinsya namin na siya namang kahawig ng Sakura tuwing Spring.
Balayong ang tawag namin doon, Cherry Tree sa Ingles. At nagse-celebrate din kami doon ng Balayong festival.
"Sigurado ka okai ka lang??" tanong ni Leia. Isa sa mga close friends at naging kaklase ko dito sa Japan na isang pinoy din. Dito na siya nagkaroon ng pamilya. Sa kanila ako pansamantalang tumutuloy kapag nagbabakasyon ako dito. Karga-karga niya sa kanyang mga braso ang kanyang unang anak na napakahimbing ang tulog. 3 weeks old pa lang ito.
Humarap ako sa kanya sabay sabi, "Ito naman, di ka na nasanay sakin. Ilang taon na ba akong pabalik-balik dito para hindi pa masaulo ang papunta sa festival??Sasakay lang naman ako ng train papunta sa Shinjuku Station tapos lalakarin ko na lang at mga 10 minutes nandoon na ako sa Shinjuku Gyoen. Okai lang ako, I'm a 'solo flight' person, remember??" lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. Tumingin ako sa kanyang little angel na natutulog pa din at tumingin uli sa kanya. Ngumiti ako. "Daijoubu. Alagaan mo nalang muna iyang baby mo."
Ngumiti rin siya. "Yosh. Sabi mo eh. Pero mas maganda sana kung meron ka talagang kasama. Napaka-forever alone mo naman kasi eh. Jumowa ka na kaya girl." hirit pa nito.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Ano bang term yan?? Sige, alis na muna ako." Dumeretso na ako sa pintuan at binuksan ang pinto. Huminto ako saglit at lumingon sa kanya, "Ittekimasu~"
"Itterasshai~"
---------------------------------
Narating ko rin ang train station. Walking distance lang naman ito sa bahay nina Leia kaya nilakad ko na.
Habang naghihintay ay kinuha ko sa bag ko yung dala kong manga at nagbasa-basa na muna. Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na rin ang tren. Medyo kaunti pa lang ang mga taong makakasabay ko kaya hindi ako mahihirapan sa paghanap ng mauupuan. Tinago ko na uli sa bag ko yung binabasa kong manga saka pumasok at naghanap ng mauupuan.
Tulad ng dati, wala na namang tumabi sa akin. Palaging bakante sa tabi ko at walang umuupo doon. Kaya naman tinawag ko na itong empty seat. hehe
Hanggang sa dumating na ang nag-fill kay empty seat.
Bago ko pa ma-realize, naalala ko na naman siya.
BINABASA MO ANG
Empty Seat: Her Story [One Shot]
Short StoryWinter has ended. Spring has begun. A short story about Springtime..and Cherry Blossoms!!