Hi! Buti tapos na yung exam namin, haha..
Hello Macey and Asher, pinapaalala ko lang na pumayag kayong i-post ko 'to at sabi nyo bahala ako, kaya wag nyo kong tatambangan. Enjoy reading guys! =)
And Sky says hello. ^_^
-Reese
***
They say that past is past. But should the past really stay in the past? Can't there be another chance for the past to continue in the present, or even so, to have a possibility to make it to the future? Past is past, but first love never dies. Against the two, which one has better claims?
---
"Hello? Fifteen minutes late na yung gusto mong ipakilala. Sayang oras ko," reklamo ko kay Lily.
"Chill. Baka naman na-traffic lang," natatawang sagot nya. Baliw talaga 'tong babaeng 'to.
"May appointment pa nga ako ng 1pm."
"E di isama mo sya."
"Balahura ka, business meeting yun."
"Okay lang yun, business-minded naman ang isang yun. Sige na. May pinapagawa pa ang boss ko. Baka ako tanggalin sa trabaho, haha," sabi pa nya bago ako patayan ng tawag. Bastusing bata. =_=
Bakit nga ba ako nandito? Tss...
"Ash, pumunta ka doon bukas ha?" pangungulit ng pinsan kong si Lily.
"Busy nga ako. Marami akong inaasikaso sa mga transactions nitong bar. Saka aayusin ko pa yung mga nasira ni Steve. Hindi pa tapos ang gulong 'yon," reklamo ko din.
"Basta huwag ka nang makulit. Pupunta ka doon, kung hindi, hindi talaga kita kakausapin. Tamoka," banta nya.
"Wow ha, demanding? Titignan ko kung maisisingit sa schedule," yamot na sagot ko. Ang kulit kasi e.
Narinig ko pa syang tumawa. "Haha... sige. Thanks Ash. Para din naman yan sa'yo. Para magbagong-buhay ka na, haha.. Bye," paalam nya saka ako pinatayan ng tawag. Balahurang babae talaga yun, tinitrip na naman ako.
Yun ang dahilan kaya nandito ako ngayon sa mall, dahil sa sinet-up nyang blind date. Ayoko ngang pumayag kasi katangahan lang naman yang mga blind dates na yan, at mas masarap tumambay sa harap ng computer.
Kaso kailangan dahil may isa pang dahilan.
Nandito ako para personal na makipag-usap sa supplier namin, baka sakaling maka-discount. Gago kasi yung mga kabarkada ko. Ako pa ang ginawang manager ng Iced Gems na bar namin dahil ako daw ang pinakahayok sa alak. Tss... si Lex naman talaga yung pinakamahilig mag-inom, inaabot pa nga minsan ng umaga yun e. Pero mas gago yung boyfriend ng ex ni Steve, sa loob pa ng bar nanggulo. Dagdag trabaho pa tuloy. =_=
Ano kayang itsura nung ka-blind date ko? Sana naman hindi mukhang butete na may tigyawat na tinubuan ng mukha. Tsk, tsk.. delikado.
"Ah, hi! Ikaw ba si Mr. Converse?" napatingala ako at mabilisang umiling. Natakot ako e. Eksaktong sumulpot sa harap ko yung babaeng kanina lang ay dinedescribe ko. Ang malala pa, sobrang maitim sya tapos nakasuot ng kulay yellow at orange. Tanga naman ni Lily kung sa ganun ako ise-set up. Okay medyo judgmental, pero kasi naman.
Umalis naman sya at narinig kong umimik sa di kalayuan. "Miss sorry. Hindi pala sya. Akala ko lang pala na sya yung hinahanap mo. Ang sakit talagang umasa," paliwanag pa nung babae bago tuluyang umalis. What the hell? Anong hugot yun? AAAAATTTT.... Hindi si butete yung imi-meet ko? Buti naman.
BINABASA MO ANG
The Iced Gems Series
Genel KurguA story of frienship, loyalty and love. Join these friends as they tackle issues of differences, brokenheartedness and life's surprises.