XLVIII. Fight

1K 39 0
                                    






       Franzine Guillar



Pagkatapos ng surprise ni Nerd sakin ay hinatid niya na ako pauwi. Nakangiti akong pumasok sa bahay.


Napawi ito ng napatingin ako sa kama ni Mama. Teka? Nasan si Mama? Bakit wala siya dito?


Bago pa ako maparanoid ay may biglang tumawag sakin kinuha ko ang cellphone ko nakita ko sa screen ang pangalan ni Hazel.



Calling Hazel.....


"Zi."  sambit sakin ni Hazel 


"Nasaan si Mama?" tanong ko ka agad sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago nagsalita.



"Nandito kami ngayon ni Mama sa hospital. Isunugod namin ang Mama mo—"



"Saang hospital? Saan?" sigaw ko sa kanya.



"St. Luke—"  di ko na siya pinatapos dahil agad kong binaba ang tawag at nagmadaling lumabas sa bahay at tumungo sa hospital.



°°°°°°°°°


Pagkarating ko sa hospital ay  tumungo agad ako sa nurse station.



"Suzette Guillar." sabi ko agad. Binuklat naman ng nurse ang isang record book.


"Room 271—" di ko na siya pinakinggan pa at daling dali na tumungo sa kwarto na sinasabi ng nurse.



Pagkarating ko ay agad kong binuksan abg pinto at bumungad sakin si Mama na mahimbang na nakahiga sa kama niya habang maraming nakakabit na mga tubo sa kanya.




Anong nangyayari?



Nakita ko sina Aling Pacing at Hazel. Natutulog si Aling Pacing habang si Hazel naman ay nakaupo habang nakahawak sa cellphone niya. Napatingin naman siya sakin. Tumayo siya at agad na tumungo sa gawi ko.



"Anong nangyari kay Mama?"  tanong ko sa kanya at tumingin kay Mama.




"Kanina nung umalis ka ay di naman ganyan si Tita eh. Okay pa naman siya. Pero makaraan ang ilang minuto ay bigla nalang kaming nataranta ni Mama dahil hindi kaya ni Tita huminga. Kaya dali dali namin siyang sinugod dito. Sabi ng doctor. Malala na daw ang sakit niya at hindi na ito magagamot pa." mahabang lintanya ni Hazel sakin.


Napayuko ako at dahan dahan na lumapit kay Mama. Napatingin ako sa kasalukuyang nag iingay nagyon. Ang monitor ng heartbeat niya. Halos mawala ang hininga ko ng pabagal ito ng pabagal pero bumabalik naman sa normal.


"Zi? Nandito ka na pala. Lalabas muna kami ni hazel. may bibilhin lang kami."  sabi ni Aling Pacing na kakagising lamang. Di na ako sumagot dahil alam naman nila ang sagot ko.



Nang lumabas sila. Ay nagulat ako sa nangyari sa sarili ko. Umiyak ako. Umiiyak ako. Isang malakas na katulad ko ay umiyak.


Hinawakan ko ang kamay ni Mama. Gumiginaw na naman ito. Natatakot ako na baka giginaw ang mga kamay niya habang buhay.



"Ma? Plesse lumaban po  kayo. Alam kong malakas ka kaya alam kong kakayanin mo ang pagsubok na na ito. Ma, please lumaban po kayo.  Please." naiiyak na sabi ko.





2 dalawang araw ang lumipas ay nandito parin kami sa hospital. Hindi ako pumapasok ng school. Di rin ito alam ni Prince. Wala siyang alam sa mga nangyayari sakin ngayon. At wala akong balak sabihin sa kanya. Ayokong madamay pa siya sa problema ko.



Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon