Scene 1 - Athena's House
Athena on her bed, laptop on and is talking to Margareth on her mobile.
Athena: Meg, I saw an ad that Communications International is hiring for an EA. You think I should apply?
She is currently jobless but her own business is doing great. She has great talent in cooking, baking and organizing events.
Meg: Hello! Bakit pa? Look, ang dami-daming may order sayo ng cake, pastries and even pasta. Plus, remember si Diane? She wants you to cater on her son's 7th birthday. Aanhin mo pa yan? You are your own boss. Ano na naman ba pumasok sa isip mo na yan?
Athena: Hindi ko rin alam Meg eh. Pero para kasing tinatawag ako nung advert na yun. Besides, malay mo biglang mag sawa mga tao sa niluluto ko...sa mga cakes ko...
Meg: Kung ako lang may talent ng tulad mo nako! Matagal ko ng iniwan itong trabaho ko na ito. Nakakasawa na kaya!
Athena: Well...you can. Mag full time ka na sa business natin.
Meg: Excuse me. Business mo. Mabait ka lang na kaibigan kaya isinasama mo ako sa raket mo.
Athena: Hahaha! Of course not. Nagagamit ko rin naman kasi ang creativity mo no.
Meg: Baliw ka rin eh no. Gusto mo mag apply sa company na yan pero gusto mo din mag full time ako sayo. Eh ano ba gusto mo?
Athena: Ewan ko sayo Meg!
Meg: Ay wow! Ako pa ngayon?! Sige na, ibababa ko na ito at kakain muna ako. Gutom na gutom na talaga ako.
Athena: Okay. Enjoy your dinner.
Scene 2 - Charlie at Jazz Bar
Bartender 1: Good evening, sir Charlie! The usual?
Charlie: Yes, please. Thank you.
Bartender 2: Good evening, sir Charlie. Nag iisa ata kayo?
Charlie: Oo Mike. George is currently in the US on business trip.
Bartender 2: Ah okay. Nakaka inggit naman si sir George. (natatawang sabi)
Charlie: If you only knew Mike. You wouldn't envy him even a bit. You will feel sorry for him rather. (naka ngiting sinabi ni Charlie)
Bartender 1: sir Charlie, ito na po. (sabay abot ng drink) Nasaan po sila sir Richard?
Charlie: Still in the office, Niko.
Bartender 1: Susunod na lang po siya dito?
Charlie: (naka ngiting tumango) In his mind, these people are so used to him being there with his friends. Hindi ba pwedeng ako lang mag-isa? Kailangan laging may kasama? Parang si mama at papa lang. Dahil 42 na dapat may asawa at mga anak na? (napa iling sabay inom ng brandy nya)
Scene 3 - Shopwise Supermarket
Mom: Athena, ang dami mo na naman pinamili. Para saan ba ito? Sa bahay o sa negosyo mo?
Athena: (naka titig sa kawalan)
Mom: Athena!
Athena: Mom! Ipina paalam mo ba sa madlang pipol ang pangalan ko?!
Mom: May tinatanong ako sayo, naka tingin ka sa kawalan. May problema ba? Buntis ka ba?
Athena: (naka taas ang kilay na sumagot sa ina) Mom, of all people ikaw magtatanong nyan sa akin? I have always been honest to you and dad.
Mom: Eh ano nga ang problema mo?
Athena: Wala naman po. Iniisip ko kasi parang gusto ko mag apply sa isang company. Natatandaan mo during my college days. Sabi ko I want to apply at Communications International pagtapos na pagtapos ko sa college?
BINABASA MO ANG
The First Leaf of Autumn
Historia CortaA love story like no other and like everyone else...