KELLY'S POV
"Hi!"
Nagulat ako sa tinig na nagmula sa likuran ko kaya nilingon ko ito at laking gulat kong si Mark pala ito. Matiwasay ang pagmumukha nitong nakangiti. Bakit parang may kamukha siya ngunit di ko mawari kung sino.
"Nagulat na naman ba kita? Magugulatin ka talaga 'no?" aniyang nakatingin ng diretso sa 'king mga mata. Heto na naman tayo sa mga tingin niyang napakamisteryoso.
"Medyo," kiming sagot ko at iniwas ang mga paningin ko sa kanya. Awkward na kapag nakipagtutukan pa 'ko sa kanya.
Ngumiti lang ito at napaisip na naman ako kung sino talaga ang kamukha niya.
"Pasok ka na?" pag-uumpisa niya. Kakalabas ko lang ng dorm ko at heto nga at sinasabayan ako sa paglalakad papuntang classroom. Sabagay, classmate naman kami eh.
Tumango lang ako at umiwas na naman ng paningin. "May dumi ba 'ko sa mukha?" aniya. Napakunot ako ng noo dahil sa tanong niya. "Bakit napapansin ko atang iniiwasan mo ako Andrea."
Biglang nanindig ang balahibo ko dahil sa itinawag niya sa 'kin. Andrea, ulit ng utak ko. Bakit parang kinikilabutan ako?
"Iba ata ang kwento niya sa 'kin tungkol sa 'yo," bulong nito na halos 'di ko marinig.
"Anong sabi mo?" tanong ko.
"Sabi ko ang ganda mo pala talaga sa malapitan,"wika nito at ngumiti. Bakit parang narinig ko may kwento? Ay ewan! Ngumiti na lamang ako.
Naglalakad na kami sa hallway nang may maramdaman akong kakaiba. Nakita ko ang itim na anino na nakita ko kahapon sa labas ng classroom namin. Natigilan ako dahil nakakatakot ang kaluluwang ito.
Nagtaka naman ang kasama ko, "bakit Andrea?" tanong niyang nakakunot amg noo.
"N-nakita mo 'yun?" nabubulol kong tanong.
"Ang alin?" tanong niya ulit.
Tumingin ako sa kanya. Nababasa ko sa mukha nito ang naguguluhan. Sa halip na sumagot ay umiling na lamang ako saka ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad.
Bakit ko nakikita ang itim na kaluluwang iyon? Hindi lang ito basta-bastang kaluluwa, ito ay kakaiba at nakakatakot na kaluluwa.
"Kellay girl!" sigaw sa 'kin ng bakletang si Tofee na puno na naman ang mukha ng iba't ibang kolorete. Nagtatatakbo itong lumapit sa 'kin.
"Oh? hinay-hinay lang Tofee," sabi ko sa kanya. "Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko.
"Si Ma'am Agnes ng Home Economics natagpuang nakalambitin sa theater room!" pagbabalita niyang hinihingal pa.
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. "T-totoo ba 'yang sinasabi mo Toffee?" paglilinaw ko. Baka naman kasi nang-iimbento na naman ang baklitang ito.
Akmang tatakbo na sana ako nang pinigilan ako ng lalaking nasa tabi ko. Tiningnan ko ang misteryusong mata niyang nagtatanong ngunit wala akong sagot na nakuha mula sa kanya.
"Huwag ka ng pumunta dun Kellay Girl kasi baka di ka makatulog mamayang gabi. Nagsisisi nga ako bakit pa ako pumunta dun eh,"ingos niya sa 'kin na nanginginig at nag-sign of the cross pa.
Napatungo ako sa kamay ni Mark na magpahanggang ngayon ay hawak niya pa rin.
Napansin niya atang nakatingin ako d'on kung kaya't tinanggal niya iyon mula sa pagkakahawak. Ngumiti lamang ito saka naunang pumasok ng classroom namin. Naiwan naman akong nakakunot-noo.
BINABASA MO ANG
Oh my GHOST![on-going]
ParanormaleLahat hahamakin sa ngalan ng pag-ibig. Pero imposible nga ba magmahal ang isang tao sa isang multo? Kelly Andrea Benedicto. Babaeng nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. July Romulo. Ang multong parang hindi multo. Misyon...