Sino ba ang walang pangarap? Wala naman sigurong taong ganoon. Naniniwala ako na lahat may pangarap, may gustong maabot, may gustong marating.
Sabihin na nilang hangal ako, pero di ako bibitaw sa pangarap ko. Alam kong marami pa akong masasakit na salitang sasaluhin. Marami pang taong uusig at ibababa ako sa kumonoy. Marami pang balakid na darating. Pero di ako susuko. Para sa akin at para sa pamilya ko.Magtatagumpay din ako! Papatunayan ko na di lang ako hanggang dito. Papatunayan ko sa pamilya ko, sa kamag-anak ko, kaya naming umangat.
Pano ko nga ba mararating ang pangarap ko kung umpisa pa lang marami ng nanlilibak sa uri ng pamumuhay namin? Magagawa ko pa bang pangatawanan ang mga pangarap ko?
Ako Eli. At eto ang kwento ng aking pangarap, pag-asa..... at pag-ibig?