I don't know how we became strangers. Na parang hindi naging tayo, hindi naging magkaibigan, naging magkaklase o kahit magkakilala man lang. Siguro nga kasalanan ko. Natakot kasi ako. Naduwag kasi akong ibigay sayo ang sarili ko ng buong buo.
Minahal naman kita. Or minahal nga ba kita? Hindi kasi ako sigurado. Hindi ko alam kung minahal nga ba kita o mahal pa ba kita. Ikaw kasi ang first ko diba. First boyfriend, first hug, and first kiss. First heartbreak.
At dahil ikaw ang una ko. Hindi ko alam kung pano ko ipaparamdam sayo ung pagmamahal ko. Natatakot kasi ako. Natatakot akong pag nalaman mong mahal kita iwanan mo ko. Hindi ko kasi magawang lubos na magtiwala sayo, hindi ko kasi sigurado kung mahal mo ba talaga ako o trip mo lang na ligawan ako. Kasi diba ang tagal niyo ng ex mo. 3 years kayo and for 3 years after break up niyo niligawan mo ko. Natatakot akong baka pampalipas oras mo lang ako or rebound.
Magkatxt tayo every night, magkatawagan. Hanggang sa one day parang i just felt na gusto na kitang sagutin. And i say yes. Naging tayo. And for that several months na naging tayo natatakot parin akong iparamdam sayo na gustong gusto kita. Na mahal na ata kita. And even sa sarili ko hindi ko maamin. Feeling ko kasi lahat ng lalaki manloloko. Na lahat ng lalaki pag nalaman nilang mahal na mahal na sila iiwan at paiiyakin lang din nila ung babae.
Siguro kaya naging ganyan ung pananaw ko kasi dahil nadin sa broken family kami. Na ung dad ko bigla nalang hindi nagparamdam ng ilang taon at malalaman nalang namin na may iba na pala siyang pamilya. Alam mo naman un diba. Alam mo na ganun ung family backround ko and tinaggap mo parin ako.
Bakit ko nga ba sinusulat to ngayon. Sinulat ko to kasi gusto kong ilabas ung nararamdam ko. And for 3 years after natin magbreak ngayon ko lang nalabas to.
Nagbreak tayo kasi dahil sakin. wala akong time sayo. Kasi diba alam mo naman na si mama nalang ang bumubuhay samin kaya kailangan kong tumulong sa kanya na magtinda. At yun ang naging dahilan ng pagaaway natin. At iba pang dahilan na karamihan sa mga kaibigan ko eh lalaki. Mapride kasi ako. Na kahit alam kong kasalanan ko hindi ko inaamin. At madami akong dahilan na sinasabi. Hanggang sa nagsawa ka na. At tinakot mo kong pag hindi tayo nagkita that day magbreak nalang tayo. At ako. dahil sa mapride ako sabi ko sige magbreak na tayo. Mahalakas ang loob ko nun kasi ang alam ko mahal mo ko at hindi mo ko matitiis. Pero nagkamali ako.
1 week After natin magbreak. Magkikita kami ng friends ko na friend mo din. Hindi ko alam na kasama ka pala. That day hindi tayo nagpansinan. Nanlibre ka pa nga diba. At nag videoke pa tayo. At sabi ko mauuna na ko umuwi. Tapos sabi mo uwi ka na din. Hanggang sa sabay tayo naglakad palabas ng mall. Awkward ou. Tapos nagsalita ka kung kamusta na ko. Sabi ko ok lang. And then sabi mo txt kita ikaw bahala. At first nagtaka pa ko kung anu un. Hanggang sa nag sink in sakin na ikaw bahala sa relationship natin.
Pero di ako nagtxt. Kasi inaantay kong ikaw ang magtxt sakin. Hanggang sa nabalitaan ko nalang may nililigawan ka ng officemate mo. For the span of 1 month after natin magbreak to think na sinabi mo pang ikaw ang bahala. Nakahanap ka na pala ng iba! Ang bilis naman. Di ba uso sayo ang 3 month rule?.
Pero sabi ko ok lang di naman kayo magtatagal. Na ok lang kasi kala ko mahal mo ko at ginagamit mo Lang siya para magselos ako. Pero akala ko lang pala yun. Masyado lang palang mataas ang tingin ko sa sarili ko na hindi mo ko matitiis. Or masyado lang akong nagtiwala sayo na babalik ka. Pero nagkamali ako.Ngayon 3 years na tayong break. And 3 years na din kayo ng girlfriend mo. And until now ginagamit ko and facebook ng kapatid ko para ma stalk kita. Kasi diba iunfriend mo ko. At pag nakikita kong masaya ka na sa kanya di ko maiwasang magsisi kasi sana ako ang nasa pwesto niya. na sana 4 years na tayo ngayon kung hindi tayo nagbreak. Pero huli na ang lahat. Huli na para masabi ko sayong sorry love. tayo ng ulit.
Hanggang ngayon sumasagi parin sa isip ko na what if nagtxt ako sayo? naging tayo kaya ulit? O talagang siya na.
Sinulat ko to kasi gusto kong mailabas ung rarandaman ko. Na kahit sa bestfriend ko hindi ko nasabi. Ayoko ko kasing aminin even sa sarili ko na nagsisisi ako. Nagsisisi akong hindi kita naalagan ng maayos. Hanggang ngayon umaasa parin akong babalik ka.
Mahihintay parin ako hanggang kaya ko.Still waiting
-love