28: The Pathetic

9.4K 182 7
                                    

"Huh? Hindi 'yun! Naiinis lang ako kay Prof

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huh? Hindi 'yun! Naiinis lang ako kay Prof. Adolfo. Pano ba naman pinagti-tripan ako. Ibanagsak niya ata ako." Pano ba naman kasi kanina sa klase tinanong niya ako ng wala sa book. Nasagot ko naman pero 'yung follow-up questions hindi ko na alam. Hindi naman ako law major para tanungin niya ng mga kumplekadong bagay.

Natigil lang ako sa panggigigil ko ng maramdaman kong parang naninigas ang paa ni Chantalle. Pag-angat ko ng tingin sa kaniya nanlalaki ang mata niya habang nakahawak naman ang dalawang kamay niya sa dindib niya. Nakanganga siya na parang hindi makahinga. Hindi nga siya makahinga!

"Chatalle, ayos ka lang ba?" Tangina hindi siya ayos!

Hinawakan ko ang mukha niya. Medyo niyugyog ko baka sakaling umayos. Mas lalo pa siyang naghabol ng hininga. Napapikit siya. Doon ko nakita ang pagtulo ng luha niya.

"Chan? Anong nangyayari..." Napaikot ang tingin ko sa paligid. Sa may sulok may plastic bag na may laman. Nilapitan ko 'yun. Tinapon ko lang sa sahig ang mga laman nitong mga gamit panligo.

Ang mahalaga ngayon ay ang plastic bag. Nilapitan ko uli si Chantalle. Nakasubsob na siya sa mesa niya. Inalalayan ko siya para umupo ng maayos.

"Breath deeply. Here!" Itinakip ko sa ilong at bibig niya ang butas ng plastic bag. "Chan, calm down. Listen to me! Inhale, slowly."

She refused.

"Chantalle! Please! Inhale! Inhale!" Nangangatog ang mga kamay ko. "Then exhale."

Ginawa niya ang sinabi ko. Nakailang paulit ako sa kaniya hanggang sa kumalma na siya.

Sobrang natakot ako! Buti na lang umayos din kaagad ang paghinga niya pero umiiyak pa rin siya.

"Shh..." Pagtahan ko sa kaniya. Niyakap ko siya at hinimas ang likod. "Humiga ka muna sa kama." Binuhat ko siya sa kinauupuan niya papunta sa kama. Hawak ko ang kamay niya habang naka-upo ako sa sahig.

Natigil din siya sa pag-iyak at nakatulog.

Natakot talaga ako sa kaniya. Bakit bigla na lang siya nag-hyperventilate? Kanina naman parang ayos lang siya.

Saglit ko pang pinagmasdan siya, natatakot na baka atakihin na naman siya. Makalipas ata ang isang oras nagpasya akong maligo muna. Para akong na-drain sa nangyari sa kaniya.

Mabilis lang akong naligo. Sinuot ko lang ang baon kong boxer shorts tapos tinabihan ko na siya sa kama. Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako.

***

Pagkagising ko tulog pa rin siya. Ang peaceful niya tingnan na parang hindi siya nag hyperventilate kagabi. Sana ganito lagi ang mukha niya. Pag gising kasi siya parang ang dami niyang iniisip tapos parang pilit pa ngiti niya. Kaya mas gusto ko pag nangangailangan na siya at pag nakikipagtalik sa akin kasi parang nawawala problema niya. Mukhang mas gusto ko rin ang sleeping state niya.

Bahagyang dumilat ang isa niyang mata. Kumunot ang noo at hinawi ang kamay kong hinahawakan pala ang buhok niya.

Kainis! Nagising ko pala siya! "Good morning, sleepyhead." Kalmado kong bati sa kaniya kahit na gusto kong sabunutan ang sarili ko.

"What are you doing?" Bumangon siya. Kinusot ang mga mata at napatingin sa ilalim ng kumot. Para siyang nagulat na kala mo ni-rape ko siya. "Why?" Lumingon siya sa akin na nakakunot pa rin ang noo.

"I'm doing nothing. At anong 'why'?"

"Nothing happen to us?" Napahiga uli siya sa kama na kala mo dismayadong walang nangyari saaming dalawa.

Pinitik ko ang noo niya. Medyo nakakainis kasi yung kunot niyang noo.

"Aw!" Napahawak kaagad siya sa ulo niya. "Bakit ka namimitik?"

"Pwede bang matulog lang tayo magkatabi minsan? Tska gusto kong kayakap." Niyakap ko siya. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Ang weird mo." Tinapik niya ang ulo ko tapos niyakap niya rin ako.

"Okay ka na ba? Kagabi kasi..."

She stiffen. "I'm ah, I'm okay."

"Ilang beses na nangyayari 'to sayo?" Tanong ko.

"Ngayon lang." Alanganin niyang sagot na tila baga hindi siya sigurado.

Inangat ko ang ulo ko ng bahagya para mahalikan ang base ng leeg niya, papataas. Napaungol siya sa ginawa ko.

"Sandali, umaga na!" Tinulak niya ako.

"Tapos?" Medyo sarcastic kong sabi. Kasi naman siya.

"Wala ka bang practice? Hindi ko pa pala tapos assigment ko." Tumayo siya sa kama niya't bumalik sa study table niya.

Nakakalito siya. Pagkagising niya parang nanghihinayang siyang walang nangyari, ngayong gusto ko... ewan.

Nakatulog uli ako habang hinihintay siyang matapos mag-aral. Ginising niya lang ako ng makabihis na siya ng pampasok.

"Wala ka ba talagang traning ngayon?"

Umiling ako. "Nagkalat na naman kasi ako kahapon kaya parusa sa akin 'tong walang papasok ng gym hanggang matapos ang next game."

"Parang masaya ka pa ah."

Bumangon na rin ako't sinuot ang uniform kong ginamit kahapon. "Medyo nangangati lang kamay ko humawak ng bola uli. Habit na eh pero masaya akong one week akong hindi obligadong mag training." May time ako para kay Chan at sa pagtugtog ng keyboard ko.

Umiling siya tska lumabas ng kwarto.

"Wait lang oh!" Minadali ko ang pagsuot ng sapatos ko bago siya hinabol.

Nakasalubong namin ang daddy ni Chantalle na papasok ng dinning area. Tiningnan niya kami. "Mag almusal muna kayo."

Kumaripas naman si Chan na sumunod sa daddy niya. "Ako na magluluto." Parang excited siya.

Nakatayo lang ako habang busy 'yung dalawa. Natuod na ako dito.

"Upo ka." Sabi ng tatay niya na may hawak na tatlong mug ng kape. Inabot niya sa akin ang isa.

Umupo ako sa upuang tinuro niya. Sa tapat niya. Ninenerbyos ako sa totoo lang. Medyo nakakatakot kasi daddy ni Chantalle parang papatay na lang o kaya naman siya mismo ang magpapakamatay. Nasampolan na ako dati n'yan ng suntok.

"Dito ka pala natulog."

"W-wala po kaming ginawa. Uhm, natulog lang kami." Napamura ako. Ang olats ko kasi.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon