Kier's POV
Sino na naman kaya ang kasama ng malanding babaeng yun? Wala na talaga siyang ibang ginawa kundi ang makipaglandian sa iba. Hindi niya ba alam na nasasaktan din ako? Tingnan mo nga naman, pati mga kaibigan niya, iniwan para lang sa lalaking yun.
'Uy, Kier, ba't ganyan mukha mo? Anyare?' Tanong ni Jell, kaibigan ni Anya.
'Kilala mo ba kung sino yang lalaking kasama ni Anya?'
'Ah, yan si Ryan. Manliligaw niya. Alam mo, si Ryan talaga yung lalaking nakakapagpasaya kay Anya lalo na ngayon. '
'Bakit, may problema ba siya?'
'Ganito kasi yun. May mahal yang si Anya. Kaya lang, tine- take forgranted lang siya ng lalakeng mokong na yun.'
'Mahal? May mahal si Anya? Sino?'
'Well, we're not in the position to say it. Sige na. We have to go. Bye!'
After our last subject, nakita ko siyang mag- isa. Pauwi na kaya sya?
'Anya, pauwi ka na?'
'Ah, oo.'
'Nasaan na mga kasama mo?'
'Ahm, may sinalihan kasi silang seminar.'
'Ganun ba? Sige, sabay na lang tayo. Gabi na rin kasi eh. Mahirap na.'
'Naku, hindi na. Baka maabala ka pa. Di naman yun yung daanan mo eh.'
'Di, okay lang. May dadaanan rin kasi ako malapit lang dun. So, ano, tara na?'
'Tara?'
Kasama ko siya. Grabe, ang sarap sa pakiramdam. Para akong nasa langit. Bading na kung bading. Wala kayong pakialam.