TITLE: Miracles
GENRE: Angst/ Fluff'Where there is great love, there are always Miracles...'
********
'Nanay, sino 'to baby?' Tanong ni Chandri sa ina habang abala ito pagbubuklat ng family photo album.
Kathryn takes a peek at the particular picture which the little girl is pointing at.
'That's Kuya Liit.' Malambing na sagot ni Kathryn.
'Bakit sya ganto? Loob sya box? Liit Kuya.'
'Yes. Kuya is small kaya he had to stay inside the box before we could bring him home.'
And Kath was able to reminisce everything as if it just happened yesterday.
'DJ.' Nanghihinang tawag ni Kathryn sa asawa habang papatayo mula sa kama. Ilang linggo na rin syang naka-bedrest matapos muntikan syang makunan noong isang buwan due to a 'certain' circumstance. 'DJ!' She calls louder dahil walang dumating na Daniel Ford sa kwarto nila. 'DJ! Araaaaayyyy! DJ!'
Humahangos na pumasok si Daniel matapos marinig ang tawag ng asawa. Nanggaling pa sya sa garden kung saan naglalaro sya, si Danilo at ang kanilang mga alagang aso. Iniwan naman nyang natutulog si Kathryn kaya akala nya ay ok naman ang lahat.
'Kath.' Parang tinakasan naman ng kulay si Daniel matapos makita ang estado ng asawa.
'J. Aray. Masakit.' Iyak ni Kathryn habang nakahawak sa tiyan at sa gilid ng mesa sa tabi ng kama nila. 'Araaaay....'
'Dadalhin na kita. Teka. Putangina.' Gulong gulo na si DJ sa nangyayari. 'Ospital. Mama Min. Ospital muna. Putangina.'
'Ahhhhh....' Palakas naman ng palakas ang iyak ni Kath kaya mas lalong nataranta si Daniel.
'MANAAAAANGGGG!!!!!' Sigaw ni DJ habang inaalalayan si Kathryn para makarga nya ito. 'TANGINA MANANG LINDAAAAAA!!!!!'
'Araaaaay... DJ...' Impit na impit na ang iyak ni Kath at pahigpit na ng pahigpit ang hawak nito sa balikat ng asawa.
'Sir Deeje.' Hihinga hinga pa ang matanda nang dumating sa labas ng kwarto ng mag-asawa.
'Pakitawagan si Mama Min. Si Danilo, samahan nyo muna sa baba.'
'Aaaaahhhhhhhhh.... Masakit DJ. Ahh..'
'Dadalhin kita sa ospital Kath. Kapit ka lang ha. Kapit ka lang sa akin.' Naiiyak na rin si DJ dahil sa nararamdaman ni Kathryn. 'Pakisabihan ho si Mang Mario na ihanda ang kotse.' Dahan dahan nang bumaba sa hagdan si Daniel. Nadaanan nila ang panganay na nasa loob na ng kanilang living room.
'Tay. Nana...' Tawag nito sa magulang.
'Danilo, dito muna, dala Tatay mo sa ospital si Nanay.' Sabi ni Malen habang nakatayo sya sa likod ng bata at nakahawak sa balikat nito.
'Sakit Nana?'
'Malen, pakuha nung maleta sa kwarto. Yung itim na maleta sa may likod ng pinto.' Utos ni Daniel bago ito lumabas papunta sa garahe. 'Konti na lang Bal. Konting konti na lang.'
'Masakit, DJ. Aaaaahhhh...'
'Konti na lang Bal. Mawawala na yan. Kapit ka sa akin. Kapit lang Bal.' Pagpapalakas ni DJ sa loob ni Kath.
Dahan dahan nyang ipinasok si Kath sa loob ng SUV na binuksan ni Mang Mario. Iniayos ang upo saka sya sumunod.
'Mang Mario, tara na!' Sigaw nya sa driver.
'Si Malen ho, andun pa.' Nguso ni Mario sa kasambahay na tumatakbo habang hila hila ang maletang ipinakuha niya.
'Tayo na Mang Mario. Ipakuha ko na lang 'yon mamaya.' Nagmamadaling sabi ni DJ.
BINABASA MO ANG
Team Bernardo- Ford
FanfictionA collection of one-shot stories of the beloved family.