~•~
Grade 9"Claire, tara na nga!" sigaw ni May, bestfriend ko.
"Oo na, panira ng moment eh" sabi ko.
"sus! Tinitignan mo na naman si James 'no? Wag ka na ngang umasa Claire, ni hindi ka nga niya kilala eh." sabi niya. Napasimangot nalang ako at naglakad na palayo.Tama nga siya, umaasa lang talaga ako.
~•~
"Hi everyone, I'm James Reyes, bago lang po ako dito, nice to meet you"
Dumaan ako sa classroom niya nung panahong nagtransfer at nagpakilala siya. Grade eight pa nga kami nun eh. Tinignan lang ko siya nun, wala pa akong paki sa kanya. Palagi kaming nagkikita pag recess na, minsan nga sabay pa kaming bumibili eh. Dinadaanan ko lang siya noon,
Until...
"Ah!!"
"Uhh..."
"Naku! Sorry po! Sorry po talaga! Nabasa ko pa tuloy yung vest mo... Sorry po"
"Okay lang, may extra naman ako eh, sige na parang nagmamadali ka eh"
"talaga? Thank you po"
Nakita ko ang pagkabait niya nung nabangga at nabasa ko yung vest niya. Akala ko talaga na suplado siya at pareho lang siya ng ibang lalaki na kapag may kasalanan sa kanila ang isang tao, agad nilang sisigawan. Iba siya, mabait siya, gwapo at may respeto sa kapwa.
~•~
Grade 10"Huy! Tunganga ka na naman, tsk tsk." paalala ni May sakin.
Nasa cafeteria na kami ngayon, nagpalingo-lingo ako at tinignan ang buong paligid at nagbabasakaling nandun si James. Pagtingin ko sa gilid ko, andyan siya nakangiti kasama ang barkada niya. Ang lapit na niya sakin, parang napakasikip na ng mundo at dito pa siya napadpad sa gilid ko.
Oh my gosh! Act NORMAL! Parang hindi na ako makahinga, ilang centimeters nalang talaga ang kalayuan namin.
"Hi, Gem!"
Ay, bwisit na babaeng 'to!
"uhm, ex--" naputol ang pagkakasabi ko nang nakita kong magkayakap yung babae at si James. Nakatalikod sakin ang babae habang nakaharap naman ang mukha ni James sa akin. Nakita niya ako pero hindi man lang niya ako nginitian.
Asa ka naman diyan Claire, bakit naman siya ngingiti sa taong hindi niya kilala? Diba? Isip-isip naman Claire.
Oo nga naman. Pinabayaan ko nalang silang magyakapan diyan at umalis na.
~•~
Second period na at kailangan naming pumunta sa Audio Visual Room para manood ng movie na kasali sa exam namin sa christian living.
Pagdating namin sa AVR may mga studyante nang naka-upo sa loob.
"Ma'am, may ibang section ang naka upo na sa loob. Sabay po ba kaming manonood?" tanong ng president namin na si Jeffy.
"Oo. Alternate dapat ang pagkakaupo niyo doon ah. Girl, boy, then girl, boy nanaman." sagot ni Ma'am Beth.
"Sige po Ma'am"
Pagpasok palang namin sa loob nakita ko agad ang pagmumukha ng babaeng yumakap kay James at ano nga yung sabi niya? Gem? Naku! Ang aga-aga nahahigh-blood ako.
Umupo nalang ako sa kung saan ko gusto. Nakasimangot at naka cross arm. Nabubwisit ako sa babaeng yun, hindi naman maganda.
"Uh.. Hi, Bakit ka ba nakasimangot? Ngumiti ka nga?" sabi ng katabi ko.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Boyfriend
RomanceAno ang gagawin mo if yung bestfriend mo ang naging girlfriend ng taong gusto mo? Tatanggapin mo nalang ba? O ipaglalaban mo talaga ang feelings mo hanggang sa mag away kayo ng bestfriend mo? Anong mas importante? ang boyfriend o Bestfriend? ~•~•~•...