Move on

190 14 60
                                    

Move on
written by: miniemhAe

This story dedicated to: 
RandomanticWriters

Accepted Challenged to write a story inspired by the song entitled Stay by Daryl Ong.

Kindly play the song in multimedia. (If ever you don't familiar with it.)

*****

SAM'S POV

Minsan nang naging patapon ang buhay ko. Dahil sa hindi ko maramdaman ang pagmamahal sa 'kin ng aking mga magulang. Naghanap ako ng mga taong makakapansin sa akin. Minsan nga ay ninais kong sumali sa isang sorority. Hindi ito natuloy dahil may nangyaring 'di maganda nang araw na iyon. Hindi ko nagawa ang unang task dapat na gagawin ko kaya hindi nila ako tinanggap.

Nagbago ang direksyon ng buhay ko nang dumating siya sa buhay ko. Nakilala ko siya nang hindi niya sadyang mabundol ako ng kanyang sasakyan. Iyon ang araw na kailangan kong gawin ang task na galing sa pinuno ng sorority group na gusto kong salihan.

"Aray!" sigaw ko sa sobrang sakit nang pagbangga ng likod ng sasakyan niya. Nakasalampak ako sa lupa habang hawak ang mga hita at binti ko. Pakiramdam ko noon mapuputol na ata ang mga ito.

"Miss, okay ka lang ba? Sino ba kasing hindi nag-iisip ang tatayo sa pagitan ng dalawang kotse? Ano ginagawa mo rito, e, paradahan ito ng mga sasakyan?" tanong nito sa akin.

"Hoy! Ikaw na nga nakabangga? Ikaw pa galit? At, sino naman ang sira ang tuktok na aatras muna bago paandarin ang sasakyan?" sunod-sunod kong tanong.

"Ibig mo bang sabihin sira ang ulo ko?"

"Ano pa expect mo? Ano, tutunganga ka na lang ba riyan at hindi mo 'ko tutulungan?" tanong ko.

"Tutulungan na sana kita kaso hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila mo. Pero dahil mabait ako tutulungan kita. Makiusap ka muna sa 'kin bago kita tulungan." Lalo akong nainis no'n sa sinabi niya.

"Responsibilidad mo ang tulungan ako. Dahil kung hindi ka umatras wala sana ako rito," singhal ko.

"Okay. Mauna na ako. May pupuntahan pa kasi ako, e." Tumalikod na siya at nag-wave pa.

"Hoy! Lalaking may malaking reading glasses na feeling gwapo. Tulungan mo ako. Hindi ko kayang tumayo mag-isa. Naputol ata ang binti at hita ko. Please?" pakiusap ko.

Nakita ko naman ang pagbalik niya. Naglakad siya pabalik sa puwesto ko nang nakatalikod. Kitang-kita ko ang kinang ng mga ngipin niya habang may ngiting aso sa mukha niya. Tinanggal niya ang suot niyang salamin bago ako tulungan.

Gwapo! Kaso may sira sa tuktok.

Inalalayan niya akong tumayo. Humawak ako sa magkabila niyang balikat. Siya naman ay hinawakan ako sa magkabila kong balakang. Nang mga oras na iyon pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo. Naging slow motion ang mga sasakyan sa paligid. Tanging mata niyang kulay brown lang ang nakikita ko. Hindi ko na namalayan na nasa loob na pala ako ng kanyang sasakyan.

"Miss, baka matunaw ako. Mahirap na, kumbaga parang paghulog ng piso sa pool. Kailangan mong mag-effort para mahanap ako. Mahirap nang makakita ng gaya ko," sabi nito sabay kindat. Bigla naman akong napabitaw sa balikat niya nang matapos siyang magsalita.

Dinala niya ako sa pinakamalapit na ospital. Agad naman akong inasikaso. Iyon nga lang ay hindi agad ako p'wedeng lumabas. Oobserbahan daw ako magdamag para malaman kung may buto bang nabali.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon