Takot akong masaktan. Takot siyang masaktan ulit. Ayaw niya ng commitment.Ayaw ko magcommit. May pag asa pa ba para sa amin na pumasok satinatawag na "relasyon"? O hanggang tinginan na lang ba kami?


Bakit ayoko magcommit?

Takot ako. Takot na baka hindi mag work at mapunta sa hiwalayan. Ayoko siyang mawala. Pero baka may mahanap siyang iba? May mahalin na iba?May magustuhang iba? Hindi ko din pala kayang...magtiwala! Wala akongtiwala sa kanya. Pero paano nga ba magkakaroon? Kung siya mismo pinapamukha sa akin na kaya niya akong palitan? Dahil hindi niya ako mahal. Oo, hindi niya ako kayang mahalin. Hanggang "paghanga" nalamang ang nararamdaman niya. Bakit? Dahil hanggang ngayon mahal niya parin ang ex niya. Hanggang ngayon hindi pa siya nakaka move on. Hanggang dito na lang siguro kami.


Pero may pagbabagong nangyari. Nararamdaman ko nagbibigay na siya ngmotibo at effort. Pero ayoko na.  Gusto ko na siyang layuan. Pero parang pinagkakaitan ko lang ang sarili kona maging masaya. Pinagkakaitan ko ang sarili ko dahil takot ako. 

Kungsa paglayo ko? Mawala siya? Alam ko mas masasaktan ako. Pero kung itutuloy ko to..masasaktan parin ako. Bakit lagi na lang akong nasasaktan pagdating sa pagmamahal?



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Damn.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon