CHAPTER 21
Hope's POV
"HOY ANONG GINAGAWA MO DITO?!"
Sigaw ko agad kay Mico na komportableng komportableng nakaupo sa sofa namin at umiinom pa ng hot choco!
"Wow. Hello din." tapos ngumiti pa. Arrg! Nakakaasar talaga siya! Ano na naman bang kailangan niya! Hinila ko siya palabas ng bahay namin saka ko kinausap
"Anong ginagawa mo dito?"
"Masama na bang pumunta sa bahay mo?"
"Oo!"
"Pumunta ka nga sa bahay ko eh."
"Utos mo yun! Sagutin mo ang tanong ko, bakit ka nasa bahay ko?"
"Magthathank you lang ako sa Lola at Ate mo. What's wrong with you? Hindi ko nanakawan ang bahay niyo."
"Magthank you? Ikaw? HAHAHA."
"Oo. Ako. At nagthank you na ako sa kanila. And they liked me so wala ka ng magagawa!"
Tapos dumila pa siya sa akin, sasagutin ko na sana siya ng bigla kaming tinawag ni Lola.
"Mga bata, halina kayo dito. Lunch! Pati ikaw Mico. Kain na kayo rito." tapos pumasok si Lola. Nag grin si Mico at sinabing..
"Paano ba yan? Kain daw. Sige ah. Una na ako Hope."
Uuna pa siya ah! Ako ang apo dito! Kaya inunahan ko siya sa bahay. Tapos noong malapit na ako inunahan niya ako so basically nagsisiksikan at naguunahan kaming dalawa papunta sa pinto.
"Oh, anong problema niyo?" tanong ni Ate.
Ngumiti lang si Mico at ako naman nagroll eyes sa kanya. Umupo na kami sa dining table. Noong makita ni Mico yung niluto ni Lola na lutong bahay kumislap ang mata niya. Noong magsimula kaming kumain lahat kami nakatingin kay Mico dahil ganadong ganado.
"Oh my gosh, this is the best! Thank you for this, Lola." sabi niya habang ngumunguya pa. Ngumiti na lang si Lola.
"Eh iho, ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Lola.
"Sa luto niyo, ayos na ayos." Aba. Ang bait ah. Parang di si Mico.
"Naku mabuti naman at nagustuhan mo. Hala sige, kumain ka ng marami."
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
RomanceNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...