Gaby's POV
Nagkakatawanan kami at nagkakantahan naman sina Kiko at James, medyo nakainom na din kasi sila. Nakaupo ako sa tabi ni Matt at si Laila naman ay nasa nagpunta sa comfort room. Nagkatitigan kami ni Matt at bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Bakit ba ganito nalang ang epekto sakin ng lalaking 'to?
"Gaby...", sabi nya.
"M-matt?"
"Gaby, I..."
Papalapit kami ng papalapit sa isa't isa.
"Y-you're w-what?", nauutal na sabi ko. Pakiramdam ko kasi, may sasabihin syang importante at iniintay kong sabihin nya yun. Nakatitig padin sya sa mga mata ko. His eyes were filled with sincerity.
"I...",
Bigla biglang nagring yung phone nya dahilan para hindi nya masabi yung dapat nyang sasabihin sakin.
"Hello...
WHAT???!
Okay I'm on my way.", tapos binaba nya na yung tawag mula sa kabilang linya. Napansin kong nag-iba yung mood nya, tinignan ko siya pero umiwas sya ng tingin.
"B-bakit?", tanong ko.
"Si Mommy.", medyo garalgal yung boses nya, sa pagkakasabi niya nun bigla kong naisip na may masamang nangyari.
"Dinala sa ospital si Mommy.", dagdag nya.
Sa mga sinabi nyang yun, naramdaman kong biglang lumamig yung buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody (On-HOLD)
Romance"Wag mong sanayin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong mawawala din sayo." Unchained Melody~ It means love story. A man who hungered for a woman's love; A woman who had lost her faith in love. It's about heartache. It's about chances. This is a s...