Sabi nila masarap daw magmahal.
Bakit ba kasi? Ano bang meron diyan sa love na yan ba't parang gusto ng iba mahanap na nila si Mr. Right o di kaya si Ms. Right na gumagawa na ng mga da-moves para lang magka love life???
hmm.. Di naman sa di ako naniniwala sa love.
Siguro gusto ko lang na kapag dumating yung time...
Ready ako.
Ayoko magmadali.
Di rin naman ako naiinip.
Gusto ko NATURAL lang.
Walang mga Da-MOVES.
Yun bang hindi scripted.
Yung UNIQUE.
Hahaha feelingera noh?? gusto ata maging MOVIE ang love story. hahaha
Pero... Sino ba naman ang may ayaw diba?
Gusto ko rin naman na yung pa kilig-kilig effect,
Pa smile-smile mag-isa effect ;) ,
Pa flowers-flowers,
o di kaya chocolates.
Babae rin naman ako noh. hahaha
Bastos ko naman ata story ako ng story eh di niyo pa ako kilala FC lang and peg? (hahaha)
Well, ako nga pala si Niezza, 18 years old, 5'6'' ang height, siyempre maputi, di naman sa pagmamayabang pero maganda rin naman ako (hahaha). 2nd year college na ako and I'm taking up Nursing kahit pa sabihin niyo wala kaming trabaho pag naka graduate na (SO???) eh passion ko to eh hahaha "Calling" daw kuno. :)
Lahat ng nabasa niyo sa unang part???
Yang naka sulat diyan sa taas?
Naman oh.
Puro kasinungalingan yan. bwahahaha
Lahat kasi ng mga sinabi ko (maliban sa Movie thingy, kilig-kilig, etc. "duh") ay kinain ko.
Imagine, nakain ko? nabusog nga ako eh. hahahaha
Kinain ko lahat-lahat pati pride ko ha ng dahil lang sa nag-iisa, sa isang particular, sa the one and only guy, My true love.
EW. I mean double ew.
Pwede rin triple ew.
hahaha
True love??? akalain mo yun?
May true love akong nalalaman napaka...
(SPEECHLESS) -.-
Pero totoo. Nang dahil sa lalaking to kahit naniniwala ako sa love na dapat natural lang, na dapat unique pero mas naniniwala na ako ngayon na kailangan dumadamoves.
Ayoko siyang ipakilala eh baka agawin niyo pa no mahirap na.
Sabi pa naman nila daig ng MALALANDI ang MAGAGANDA!
Naks!
Pano na lang ako diba?
Eh I belong to MAGAGANDAS.
Pero paano na lang ang story ko kung di niyo naman kilala?
Whatevs.
Ito na oh.
Siya si Jason.
Like "duh" kala naman kung gaano ka-unique ng name. haha
Simple lang. Jason. Haaaaaaaaaaaaaayyyyyy.
BINABASA MO ANG
Sightseeing <3
Teen FictionYung pakiramdam na kinakabahan ka... Kasi andyan SIYA. Yung pakiramdam na di ka makahinga... Kasi papalapit SIYA. Yung pagkakataon na nag-iiba ka ng daan.. Kasi andun SIYA. Yung patingin-tingin ka sa paligid... Kasi hinahanap mo SIYA. Yung napapabun...