Bago ko simulan ang pagkkwento, gusto ko munang malaman mo na ang mababasa mo sa baba ay totoong nangyari, may totoong mga tauhan, at totoong mga lugar..
At kung mababasa man ito ng taong tanging kasama ko sa kwentong ito, gusto ko sanang sabihin ang mga katagang "SALAMAT." Maraming salamat. I never had a chance to talk to you personally after that day, but please believe that my words of gratitude came from the deepest part of my heart. I wish you the best of life.
August 04, 2011. 18th monthsary namin. Paglabas ko ng school, nakita ko syang nakatayo sa ilalim ng init ng araw. Nakangiti. I was surprised, ang alam ko may pasok sya that day sa PUP. High School pa lang ako noon, sya, third year college na. Nilapitan ko sya..
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko..
"Wala lang, hinihintay ka.."
Hawak kamay kaming naglakad papunta sa bahay namin.. Tinanong ko sya kung nasaan yung gamit nya. Wala daw syang dala.. Nagtaka ako nung pagdating ko sa tapat ng bahay, nasa labas si mama. Sabi pa nya, iiwan nya muna kami kasi bibili sya ng ulam. Tapos tumuloy na kami sa bahay. Nakakapagtaka pa lalo, sya pa ang nagbukas ng pinto..
Bumungad sakin ang isang boquet ng pink roses na nakapatong sa ibabaw ng violin nya..
"Happy 18th Monthsary!" Niyakap nya ko..
Napakaromantic ng araw na yun.. Parang napakabilis ng oras.. Yung kulitan nyo na mauuwi sa lambingan.. Yung pagkain ng lunch na parang kidlat na dumaan.. Yung slow dance.. Walang music.. Habang dumidilim sa labas.. Parang gusto ko non ihinto yung orasan kasi ayoko pa sya umalis.. Pero ilang sandali pa, naglalakad na kami papalabas ng bahay at hinahatid ko na sya sa sakayan..
That was the most perfect day of our lives.. Or so I thought..
Ilang linggo lang ang lumipas, puro kami away. Magbabati. Ilang oras lang, away na naman. Nakadagdag pa sa problema namin ang matagal nang isyu ng pamilya nya sa akin. Ayaw kasi sakin ng parents nya. Simula pa lang kasi, nagpahayag na yun sa kanya ng disgusto sa akin. Pero sinubukan nya akong ipagtanggol. Tinanggap rin naman nila ako kahit paano sa loob ng maikling panahon. Bigla kasing nagkaproblema non. At sinabihan sya ng parents nya na tigilan na ko.. Pero di kami tumigil. Itinago namin. Lumaban kami. Not knowing na ilang buwan lang ang lilipas at magkakaganito din pala kami.
Wala nang konsiderasyon ang bawat isa. Kadalasan sa mga away, masyado nang masasakit yung mga salitang nabibitawan namin. Pressured sya nun sa pag-aaral kasi ang alam ko nagsisimula na silang magthesis. Ako kasi that time, hindi sanay na hindi sya nagtetext. So yung pangungulit ko kadalasan, ang kinahahantungan, AWAYAN.