PART 5

9 0 0
                                    

I texted him..

"Imposible naman yan e.."

"Ganun na nga." Reply nya. Sabi nya pa.. "Sabi nila mama tigilan na kita.. Ayoko nang sumuway sa kanila.."

Tears started to fall again. That's when I told myself, "TAMA NA! PANGLABING APAT NA MARTYR KA NA NG KABITE! PAKIUSAP! WAG MO NANG PATAYIN NG TULUYAN ANG PUSO MO! MAAWA KA SA NANAY AT TATAY MO.."

Kasi naman.. Nung nasa crisis kami na pinipigilan kami ng parents nya at gusto ko nang sumuko, siya pa ang nagsabi sa akin ng..

"Bhie.. Kapit lang.. Wag tayo bibitaw.."

Tapos ngayon, sya na mismo yung bumitaw. Tuluyan na nya kong binitawan. At siguro, wake up call na sakin to. I've had enough of these dramas. Ako na mismo ang magsasabi sa sarili ko that all these ended. Wala na. Wala nang kasal, wala nang bahay, wala nang babies. TAMA NA! Panaginip lang lahat..

Pinilit ko nang mag-move on. Malinaw na na wala na kong aasahan sa kanya. Sa kanya na rin mismo nanggaling na wala syang kwentang tao at hindi nya kayang iprioritize ang pagmamahal. I deserve better than this. Than to be inside this box na ang walls e puro pictures nya at memories namin.

Itinuloy ko ang admission at enrollment ko sa PUP. Pero hindi na dahil sa kanya at sa mga pangarap naming dalawa para sa isat-isa. This time, para lang to sa akin. Eto na yung first step ko sa pagiging better person.

Iniwasan ko na ang Educ kasi for all I know, nasa Main yun, at kapag itinuloy ko yun, mas malaki ang posibilidad na magkita pa kami. Na ayaw ko nang mangyari nung mga oras na yun. Kasi masakit pa rin e. NagMassCom ako. Leaving my dream of being an educator behind. I kept convincing myself na the dream is part of the past.

7th month after the break up, masaya na ko na totoo ulit. Proud ako sa sarili ko nun e kase naadmit na ko sa PUP.

Pero may nangyaring hindi inaasahan..

Required pala kaming magtake ng isang subject sa college department nila. First day sa klase na yun, ipinatawag ng prof ang class president sa faculty. Panay lingon sa paligid, nagmamadali kong sinunod ang order ni prof. Akala ko naman kung ano. Magbibigay lang pala ng syllabus na ididistribute sa class. Dismissed na din kami after..

Pero sa second meeting...

Prof: Magpakilala kayo isa-isa.. Unahin na natin si Ms. President..

(Naglakad ako papunta sa unahan.. Pagkatapos kong sabihin yung pangalan ko...)

Prof: How are you related to *insert exbf's full name here*

Me: (Clueless stare) Ma'am, pano nyo po nala--

Prof: Nakakablanko no?

Me: He's an old friend, ma'am..

Palusot ko. Habang nagpapakilala ako, nanginginig na yung tuhod ko. Paano? Nakita nya na ba ko? Bakit kailangan malaman ng prof?

Pag-uwi ko sa bahay, nagPM agad ako sa kanya thru facebook.

Me: Bakit kailangan mo pa sabihin dun sa prof yung tungkol satin?

Reply nya?

"Sinabi ko yun kay prof in a professional way. College ka na. Dapat maging professional ka na.."

Nabadtrip ako sa sagot. Pero from then on, tuwing magkaklase kami sa subject na yun, palaging nanginginig yung tuhod ko at malakas yung kabog ng dibdib ko. Hindi pa ko ganun kaready na makaharap sya face to face.

How A Perfect Love Goes WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon