Pero hindi natin maiiwasan na sa laki ng campus, may mga times pa rin na nakikita namin ang isat isa. Todo iwas ako. Baba ng tingin. Ang awkward, at parang ang rude ko not to look at him. Everytime na mapapatingin ako sa kanya, may napapansin akong hint sa mga mata nya na gusto nya ko kamustahin. Or siguro, feeling ko lang yun.
Sadyang mapaglaro lang ata talaga ang tadhana. Kasi sa ID Processing ng block namin, napatapat yung schedule sa araw at oras ng klase na yun. At dahil responsibility ko yun, habang nasa ICTC yung mga kaklase ko, ako ang pumunta sa faculty room ng prof namin na yun. Malas kasi pagpunta ko sa faculty, wala yung prof. Bago lang ako sa PUP at mejo first time ko yun. Kaya helpless ako. Paikot ikot ako sa faculty room na kinatatambayan ng prof na yun pero after 20 mins or so, wala pa rin. Pinuntahan ko na rin yung classroom namin dapat pero walang tao. Baka magalit na kasi hindi pa din kami nagshoshow-up kahit tapos na yung 15 minutes na grace period.
Hanggang sa pagbalik ko sa faculty, papasok na sana ako nung lumabas sya. May kasama syang prof nun pero naglakas loob na ko.
"Hi, excuse me.. Pwede magpatulong? Hinahanap ko kasi si Prof kanina pa para papirmahan tong excuse slip pero di ko sya makita.."
Gulat siyang napatitig sakin, nag-excuse sa kasamang prof at kinausap ako..
Kinuha nya yung excuse slip. Kabado kong iniabot ang kapirasong papel..
"Puntahan mo sa *insert room here*, jan yun tumatambay. Pag wala jan baka nasa CR."
"Thank you." Patalikod na ko ng..
"Sandali, hatid ko lang si prof tapos samahan na kita.."
Sasabihin ko sanang wag na, pero tumalikod na sya hawak yung gamit nung prof at sabay silang naglakad habang nagkkwentuhan. Hinintay ko sya sa kanto ng *blank* floor. Kabado. Nanginginig pa nga ang kamay ko nun..
Di ako makaalis kasi feeling ko mas maraming oras akong masasayang kung hahanapin kong mag-isa ang sinabi nyang room.
Pagdating nya, nauna na syang bumaba ng hagdan.. Sumunod naman ako..
"Kamusta ka na?" Sabi niya habang naglalakad..
"Okay naman.."
Heartbeat. Heartbeat. Heartbeat. Ramdam ko na nagbablush ako. Ramdam ko yung panginginig ng tuhod ko. Buti na lang may hawakan yung hagdan. Kung hindi baka natumba na ko. Kailangan ko na ata talagang tigilan ang pagkakape..
Habang naglalakad sa corridor, sinabi nya sakin ang dapat gawin..
"Pagkasign nya, punta ka sa floor ng room nyo, hanapin mo yung checker.."
Andun na pala kami sa tapat ng faculty.
"Pag wala sa floor ng room, punta ka sa ground floor, south wing, hanapin mo yung *nakalimutan ko na kung anong room yun* at isubmit mo yan..."
"Salamat."
"Okay na? Hindi ka na maliligaw?"
"Okay na.." Nakangiting sabi ko. Tapos umalis na sya. Habol tingin naman ako. *sighs
Napakaikli lang ng pag-uusap namin na yun. Pero parang kung ano na naman yung nararamdaman ko. God! Para akong grade school na kinausap ng crush! I should be over the patweetum stage. Tapos na yun.. Tinulungan ka lang kasi humingi ka ng tulong. YUN!