Part 36

10.7K 195 1
                                    

Raven~

Nasa garden kami ng bahay ng mga Villanueva. Yes I am a Villanueva but I did not grow up here. It feels so strange to call someone's place as your own when you can count on your fingers the number times you've been to that place. I'm still a stanger to this place.


I glance at my watch. 12:45 na. Kumusta na kaya si Marie? Sana naman kumain na siya. Matigas pa naman ang ulo ng babaeng yun. Kapag hindi mo pa kinulit kumain, hindi pa yun kakain. But that attitude changed since nalamin niya na buntis siya. She's been taking care of her body more. Hindi ko na siya kailangan pang paalalahanan pero nasanay na ako na minomonitor ang pagkain niya.


"So what do you think?" Napatingin ako kay mama ng hawakan niya ang kamay ko. It feels really awkward calling her mama. Ilang beses lang ba kami nagkasama? But nevertheless, she's my mom and I love her. "Ok naman yung offer namin diba?" Dagdag niya.


I frown.


"I don't know what to say ma." Nandito ako ngayon dahil gusto niya daw akong makausap. She said it's very important.


|Flashback starts|


"Ma, ano ba yung importante mong sasabihin? Walang kasama si Marie sa bahay." I told her pagkaupo ko sa sofa sa bahay nila.


"Your hurting me iho. Ganoon ba ang pagkadisgusto mong makita ako." She said while holding her chest na para bang nasasaktan. Nagdadrama na naman siya.


I sighed. "Hindi naman sa ganun ma. Ayoko lang iwan mag-isa si Marie kasi malapit na siyang manganak. Dapat nandun ako parati sa tabi niya."


Lumiwanag naman ang mukha niya. Ang galing talagang magdrama ni mama. She smiled at me.


"Dapat sinabi mo yan kanina para ako nalang ang pumunta sa inyo." Sabi niya habang niyayakap ang unan.


"Andito na ako. So ano yung importante mong sasabihin sakin ma?" Atat kong tanong. Gusto ko na kasi talagang umuwi. Nag-aalala ako kay Marie eh.


"Well, sasabihin ko sana sayo to noong umuwi si Jarred kaso hindi naman kita mahagilap noong panahon na yun. Hindi ko din makontak ang phone mo. Wala ding sumasagot kapag tumatawag ako sa bahay niyo. Tsaka--"


"Ma.." putol ko sa kanya. "Cut the chase please. Sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin." I really wanted to go home already.


"So impatient son. But anyway, and gusto ko lang sabihin, kasal kayong dalawa ni Alexa sa papel. Pangalan mo ang nakalagay sa marriage certificate niyo at hindi kay Jarred."


Nanlaki ang mga mata ko. Wait. Parang nabingi ako dun ah. Baka mali lang ang dinig ko.


"Ano ulit yun ma?" Natawa siya sa tanong ko.


"Ang sabi ko, you and Alexa are legally married." She said while grinning from ear to ear.


Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon