Part 37

12.3K 232 4
                                    

Alexa ~


Pinagmamasdan ko si Rav na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ang gwapo talaga ng anak ko mana sa daddy niya. Kagabi halos hindi na siya ibalik samin nina mommy. Ang mga lola at lolo nito ang nag-alaga. Excited daw kasi itong makita ang kauna-unahan nitong apo. Ibabalik lang nila sakin kapag papadedehin na. Pero umalis din naman sila mga bandang alas 12 ng gabi. Si ate Jianna naman kinarga lang saglit si Rav tapos umalis na. May importante daw siyang gagawin. Babalik na lang daw siya ngayon.


Wala si Raven ngayon dahil pinauwi ko muna. Sinabi ko sa kanya na maligo muna siya at magdala ng mga damit niya dito sa ospital. Pati na rin damit ko. Ayaw nga sana niyang pumayag kasi daw wala akong kasama. Kaya biniro ko siya na mabaho na siya at hindi ko ipapahawak sa kanya si Rav kung hindi siya maliligo. Kaya ayun nagmamadaling umalis.


Seeing Rav's handsome face, he made me realize one thing. Na wala akong pinagsisihan na binigyan ko ng pangalawang pagkakataon and daddy niya pati na rin ang puso ko. Siguro ipapa-anul ko nalang yung kasal namin ni Red para hindi naman pangit tingnan na sa kanya ako kasal sa papel pero kay Raven ako may anak.


Naputol ang pag-iisip ko ng may kumatok sa pintuan. I wonder who that might be. Kakaalis lang ng nurse kaya hindi pwedeng ang nurse ito. Wala din naman akong inaasahang bisita dahil alas 8 pa lang ng umaga. Hindi din naman yan ang asawa ko dahil hindi naman yun kakatok pa.


"Pasok." Sabi ko sa kumakatok.


"Hi." He greeted me pagpasok niya.


"Red." It's Jarred. Oo nga pala hindi ko siya nakita dito kahapon. "Thank you for bringing me here yesterday. Kung wala ka baka may nangyari ng hindi maganda sa amin ng anak ko." I said as soon as he took his seat just beside my bed. May pang-isahang upuan kasi dun.


"Wala yun. I'm glad I could help. How's my nephew?" He asked while looking at Rav.


"He's fine. Perfectly fine. Gusto mong kargahin?" I asked him.


"Pwede ba?" Hope is in his eyes. And at the same time he's happy.


"Oo naman. Ikaw ang tito niya. Ang mga lolo at lola niya nakarga na siya pati na rin si Jianna, ikaw pa lang ang hindi pa." I said while I carefully place Rav on his arms. Maingat naman niya itong kinarga.


"Ang gwapo naman ng inaanak ko. May pinagmanahan talaga." He said while smiling. "What's his name?" He glanced at me then focus his eyes back on Rav.


"He is Ray Alex. You can call him Rav."


"Hi Rav. Tito Red is here."


Pinabayaan ko lang siya makipag-usap sa pamangkin niya. I'm pretty sure magkakasundo silang dalawa paglaki. Ilang minuto ang makalipas ay ibinigay niya sa akin si Rav.


"I actually went to your house yesterday to tell you something." He said after giving Rav to me.


"Ano naman yun?" Curiosity filled me. Inayos ko muna si Rav sa tabi ko bago tumingin sa kanya.

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon