Pero sadya kasi atang sinusubok ako ng tadhana o sadya lang makapal ang mukha ko. At wala ring choice. Nagdodorm lang ako that time malapit sa Main. Pero pagdating ng College Week, kinuha akong Med Team ng isang org, at 7AM ang call time namin. Tapos after nun, kailangan kong magpakita sa isa pang org/campus institution. Kaya to make the long story short, excuse letter na naman ang problema ko. Yung mga classmates ko naman may kanya-kanya ding appointments. So the night before the event pa lang ay sinusubukan ko nang solusyunan ang problema.
Yung dorm mate ko na classmate ko rin, kinoconvince ako na itext na lang si ex para magpatulong. Wala akong number nya that time, pero kinuha ko na sa bestfriend ko. Sabi ko sa sarili ko, sige, after nito hindi ko na sya itetext.
I texted him.
"Hi. Nasa school ka ba?"
Nagreply sya gamit ang ibang number..
"Sino to?"
Tinawagan ko sya at inexplain ang situation ko.
"Kung busy ka kahit ipapaabot ko na lang sa classmate ko bukas. Pasensya na a, may mga commitments kasi ako bukas kaya di ko maaasikaso. Kung busy ka wag na lang din.."
"Nasaan ka ngayon? Kukunin ko na lang yung letter.."
Kinabahan ako bigla at ibinaba ang phone. Tinitigan ako ng dorm mate ko. Dali dali akong nagtype ng message
"Nasa Maskom pa kasi ako tapos ipapaphotocopy ko pa yung letter. Bukas na lang.."
Nagreply sya..
"Puntahan kita jan."
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! NOOOOOOOOOOOOOO! Pano to? Ang totoo kasi nasa Dorm lang ako at ayoko lang makipagkita sa kanya..
Pero sabi ng dormmate ko, "Sige na para tapus na.. Para wala ka nang problema sa subject na yan bukas.."
Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko at bumaba. Pero akalain mo ba naman na paglabas na paglabas ko ng pintuan ay andun sya sa tapat, naglalakad, mukhang papunta nga ng maskom.
Ang awkward lang talaga..
Nilapitan nya ko, nagtatanong ang itsura. Di ko pinansin.
Pumunta kami ng Teresa para magpaphotocopy. On the way, kabado kong tinawagan ang friend ko. Para iwas ilang?
After ko maibigay ang sulat, ngumiti ako at nagthankyou tapos bumalik na sa dorm. Lakad takbo. Ayoko na lumingon. Natatakot ako na baka di ko na mapigilan ang sarili ko't mayakap ko pa sya.
That night, I slapped myself for countless times, kasi alam ko na back to zero na naman ako.. At tama ako.
Dahil kinabukasan, ilang beses akong nakareceive ng texts nya. Inaupdate ako about the letter. Every text, thankyou lang na may smiley ang reply ko.