Pero pagkatapos nun, nagsimula na naman ang padaanan ng mga GM.
Ilang buwan ang lumipas at hindi naman na ako nakagawa ng iba pang kagagahan. Madalas na rin kaming magkamustahan. Just like how we were before the relationship. Good friends kasi kami mula nung mga bata pa kami.
May isang pagkakataon na alone ako sa dorm. Umuwi yung roommates ko ng weekend, ako naman hindi pwede kasi may gagawin kami sa isang org. I craved for ice cream, niyaya ko lahat ng kakilala ko na posibleng andun that time, kasama na sya. Nagreply sya, kung libre daw ba. Sabi ko KKB. Nagkaron kami ng usapan na pupuntahan nya ko sa dorm ng 5PM.
That time hindi ko na ineentertain yung thought na magiging okay kami ulit. Bumalik na kasi yung dating friendship. Pero aaminin ko, oo, gusto ko pa. Pero kahit naman kasi gaano mo kagusto, kung imposible, imposible na talaga.
Sakto lang. Kasi that time, nagkakaroon din ako ng problema sa course ko. Habang nakatambay kami sa isang park malapit sa Sintang Paaralan, naiopen-up ko yun sa kanya..
"Feeling ko talaga hindi tama yung pinasok ko. Pag sinasabi nila yung productions, naeexcite yung mga kaklase ko, pero ako, natatakot.."
"E bakit ka ba nagMaskom?" Tanong nya habang magkatabi kaming nakaupo sa isang bench.
"Ewan ko din. Bakit nga ba? Ano ba talaga ang gusto ko? May nabanggit ba ako sa yo dati?"
Katahimikan.. Tapos tinitigan nya ko..
"Sabi mo dati gusto mo maging teacher.."
Napatigil ako. Halos nakalimutan ko na yun..
"Talaga?"
"Oo. Di ba. Usapan nga natin ikaw yung magtuturo sa mga-.."
Napahinto sya kasi tumingala ako sa langit. Naramdaman ko kasi na tutulo na naman yung luha ko.
"Bakit ka ba nagMaskom?" Tanong nya ulit..
I sighed.
"Ang totoo kasi nun, ayoko sa main kasi baka magkita pa tayo. E that time hindi pa ko handa. And feeling ko kapag pinursue ko ang teaching, madepress lang ako kasi pangarap natin yun e. Tapos ngayon ako na lang.." Yung totoo nakangiti ako nung sinabi ko yan..
I was expecting that he'll smile back. Pero hinawakan nya yung kamay ko. Tinitigan ako sa mata.. Tapos..
"I'm sorry.. Ako pala yung sumira sa pangarap mo.."
That time, I felt great. As if suddenly, nawala yung matagal ko nang dinadala sa dibdib ko. Maybe all I needed was his apology. I smiled.
Matagal pa kaming nag-usap about random things. Nagulat na lang nga kami nung pagtingin nya sa watch, late na pala. Hinatid nya ko sa dorm.
Pag-alis nya, I texted him..
"I had a great time. Hindi ako makapaniwala na friends na tayo ulit. Ingat ka.."