Natapos ang sem.. Nagkakatext pa rin kami nun. Hanggang one night, napag-usapan na naman namin ang nakaraan..
"Ganito. Let's set a date. Tapos sa date na yan, kailangan mailabas natin lahat ng negative energy natin about our past." Sabi niya..
"Like sisigaw tayo ng malakas sa isang place. O simpleng mag-uusap about everything.. Para maging good friends tayo ulit.."
Natuwa ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko nagmature na ko para maintindihan ang ganitong bagay. Pumayag ako.
Opening ng second sem. OJT na nya nun. Ako naman, napakaraming 9PM classes. Before ang sembreak, may naiwan syang scarf sa akin. Nasa dorm na ako ng makareceive ako ng text from him..
"Dadaan ako mamaya jan. Kukunin ko yung scarf. Nilabhan mo ba?"
Napangiti ako. I texted him back.
"Oo. May bayad to ah. Ice cream. "
Dumating sya ng 8PM. Pumunta kami ng CMart sa Pureza para bumili ng Cornetto. Akala ko uuwi na rin ako nun. Pero sabi niya, gawin na daw namin yung plano naming paglalabas ng energy..
Napadpad kami ulit sa park..
Few days before that sobrang comfortable ko na ulit sa kanya e. Pero nung time na yun, nanlalamig na naman yung kamay ko. Hindi ko alam kung dahil lang sa hawak kong ice cream. Pero nagpapalakas din ba ng heartbeat ang ice cream? Hindi naman e. So ninenerbyos na naman nga ako. Grabe no, para akong hindi babae. Kung meron man kasi akong weakness, yun ay ang pagpigil sa nararamdaman.
He just asked one question to start the conversation..
"Galit ba si tita sakin?" Referring to my mom..
Casual lang ako sa simula ng pagsagot.
"Hindi naman. Pero nasaktan sya nung mga time na yun. Kasi para ka na rin nyang anak.." Nakatingala lang ako all along kasi pinipigilan ko umiyak pero yun. Napapikit lang ako..
Katahimikan..
"Ikwento mo nga sakin kung paano tayo nagstart.. At kung paano tayo umabot sa ganito.." Ang tapang ko nung sinabi ko yan..
"Bakit pa? Alam na naman natin pareho yun e.." Sagot niya..
"Basta.. Gusto ko lang marinig galing sayooo.."
Hinawakan nya yung kamay ko.. Tapos nagsimula syang magkwento..