"Birthday mo nun.. Tapos tinanong kita kung pwede ba na habang wala si Mr. Right, ako muna ang magpapasaya sayo.. Pumayag ka. Niligawan kita.. Tapos after two months, birthday ko, sinagot mo ko... Marami tayong naging problema.." Masasabi kong hirap na hirap sya habang sinasabi yang mga yan. Siguro kasi nakapikit na lang ako at tumutulo na yung luha ko nun.. Nakayuko na ko..
Tapos pinagpatuloy nya yung pagkkwento..
"Isa sa mga yun yung parents ko.. Tapos yung mga priorities ko.. Ayaw kitang masaktan kaya nakipaghiwalay muna ako sayo habang busy ako.."
Unti-unting humihigpit yung hawak nya sa kamay ko kasabay ng medyo malakas nang pagyugyog ng balikat ko.
"Hindi mo yun naintindihan kaya umabot sa point na nagkasakitan tayo.. Tapos sabi ng parents ko, tigilan na kita.."
Pinatigil ko ang pagsasalaysay nya sa pamamagitan sa pagbanggit ng pangalan nya.. "Masakit.." Sabi ko.
Ang tinutukoy ko nun ay ang pagsunod nya sa parents nya na tigilan na ko, pero ang pagkakaintindi nya ay yung mahigpit nyang paghawak sa kamay ko. Binitawan nya yung kamay ko.. Sinubukan nya kong kabigin, yakapin, siguro to comfort me.. Pero pumigil ako..
Silence..
Ilang minuto pa ang lumipas ng bigla akong magsalita..
"Alam mo yung pakiramdam ko that time? You're all I've got. Andami nating plans. Tapos nagsisimula pa lang ako, sumuko ka na.. Muntik ko nang sirain yung buhay ko nun.." I said in between sobs.
"Hindi ko alam kung san magsisimula.. Nawala yung rason ng paggising ko sa umaga.. And alam mo kung anong masakit? I know.. I believe.. I deserve a better break up. I deserve a better explanation.. Yun lang ba yung worth ko? Through text message?"
"All along, I blamed myself kung bakit tayo naghiwalay. May mali ba sakin? Ano bang kulang?"
There.. Katahimikan maliban sa ingay ng dumaan na LRT at mahinang sobs ko.
He caressed my back, as if telling me to stop crying..
"Pakiramdam ko ang sama kong tao.. I'm sorry.." He said. Umupo siya ng maayos, ipinatong ang siko sa hita nya at itinakip ang mga palad sa mukha.. God, was he crying then, I can't remember.
Nagsalita sya ulit..
"Babawi ako sayo. Kahit araw araw na Mcdo.. Jollibee.. O starbucks pa yan.. Pag may trabaho na ko.. *chuckles* Basta I'm sorry. Babawi ako.."
"Hindi na.. Tapos na yun e.. Hindi na natin mababalik.."