Pagdating nya sa dorm, naglakad ulit kami papunta dun sa park. Matagal kaming tahimik. Hanggang sa...
"I think we have to make our friendship more civilized.." Pause. The most awkward pause I encountered.
Di ko matandaan kung ano nang ginawa ko.. Nag walk out ata ako. Yes. Naglakad na ko pabalik sa dorm. How stupid can I get?
Habang naglalakad, on my mind, I was talking to Lord. Sabi ko, ang hirap mong karibal.. Kung yung parents nya? Kung ibang babae? Kung yung sarili nya mismo? May pag-asa akong manalo. Pero ngayon? Talong talo ako.. Kahit gano ko kagustong sumugal, alam kong sa huli, ako at ako ang iiyak.
Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa. Siguro kahit gano ko sya kamahal at gano ako kahandang gawin ang lahat, kailangan ko na ring sukuan to. Wala na rin sigurong mangyayari. Simula pa lang kasi, andami nang pumipigil. Dumating pa nga sa point na pati ang mga sarili namin, nagdadoubt na. Tulad ngayon..
Pagdating ko sa dorm, uminom ako ng konti.. Nagtetext pa sya. Magkatext pa kami actually..
"Ang ibig kong sabihin sa civilized, yung hindi na tayo aabutin ng kung anong oras sa labas.. 10 30 na yung pinakalate. The rest falls to what they meant."
Napailing ako after ko basahin yan..
"No.. Wag na lang siguro tayong magkita.."
"Alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin.." Reply nya..
Decided na ko that time na wag na muna syang makita. Kung mangyayaring magiging kami ulit in six years, titignan ko na lang. Hihintayin ko na lang.. Pero ayoko na sya ulit makita at makasama..
Kasi everytime na magkasama kami, at nagpaplano sya sa future nya, masaya ako para sa kanya, pero hindi ko maiwasang masaktan.. Kasi hindi na ko kasama sa mga planong yun.
Months passed. Narealize ko na I deserve better than this. Ayoko nang maghintay. Kasi wala pang 1% yung chance na magkakabalikan ulit kami..
During the reflection, I asked myself, gusto ko pa ba talaga to? Kung magkakabalikan ba kami, sasaya ulit kami tulad ng dati?
Pwedeng oo. Pero mas pwedeng hindi.
Kasi during the process, narealize ko, minahal ko lang sya ng minahal. Wala nang natira sakin. Sa loob ng napakahabang panahon, nilunok ko na lahat ng pride na meron ako e, halos nagmukha akong mas tanga pa sa tanga. Umasa ako ng umasa. Pero, hindi sya ganun katapang to fight for me. Hindi ako enough. Hindi enough yung love ko for him.. Kasi marami pa syang gustong marating. Maabot. Samantalang ako, sya lang ang gusto ko. Sya. Buong buo. Pero imposible..