( destiny )
kung ano mang dahilan kung anong nangyari sakanila ni kurt, eh hindi ko alam hindi niya kinwento, binuhat niya ko papunta sa sasakyan niya at umuwi na kami.
pagdating ng bahay, iniwan niya lang ako sa sala..
ika-ika akong pumunta ng kusina at gumawa ng sandwich, kahit payat ako matakaw ako, sobrang matakaw ako -______-
dahil secretary/maid ang trabaho ko ginawan ko na din ng pagkain si christian at dinala yun sa kwarto niya, kumatok ako.
walang sumasagot -___-
sinubukan kong pihitin yung pinto niya, nakabukas. bakit nga naman siya maglolock eh kaming dalawa lang nandito.
"christian?" oo, pumasok ako. pero walang tao, pinatong ko yung tray na dala ko sa lamesa ng sala ng kwarto niya. tinignan ko ang paligid ng kwarto, grabe, ganto siguro kalaki yung bahay namin sa pinas.
nakakita ako ng litrato sa table sa tabi ng upuan dito sa sala at tinignan ko ito.
nagulat ako ng makita ang litratong magkasama si christian at kurt, mukhang bata pa sila dito pero hindi masyadong bata, siguro mga 16 ? nakauniform pa kasi sila ng panghigh school dito.
"may pagkapakielemera ka pala"
muntik ko ng mabitawan ng marinig ang boses ni christian mula sa likod ko, dahan dahan kong ibinaba ang frame sa lamesa at hinarap siya..
at tumalikod ako ulit.
"sorry, dinalhan lang kita ng pagkain, ahhhh,...uhhhhmmmm..."
pano ba naman kasi, galing cr si boss! ayun! nakatopless..mukhang bagong ligo..uuuuuggghh my eyeeeeessss.
"pwede ka ng humarap" sabi niya,
dahan dahan akong humarap at nakita kong nakashirt na siya.
tumingin siya sa litrato nila ni kurt sa lamesa, lumapit siya at kinuha ito.
"si kurt.. bestfriend ko siya simula ng lumipat ako dito galing pinas, para na kaming magkapatid, di na kami halos naghihiwalay. ang papa ko at ang papa niya, magbestfriend din. pero...lahat nagbago nung namatay ang papa niya"-christian
pinili kong di magsalita at tinignan lang siya.
"nagkasakit ang papa niya, at namatay. 16 kami parehas nung mga araw na yun, siya ang nagiisang anak ng mga cortez, iniwan sakanya ang kompanya ng daddy niya, bata pa si kurt nun, wala siyang alam paano magpatakbo ng ganun karami at kalaking kompanya, sinubukan siyang tulungan ni dad pero...ayaw niya.. nagbago siya at nilayuan ako."
umupo siya sa sofa, hindi ako sanay na ang may pagkademonyo kong boss ay mukhang di kayang manakit ng tao dahil sa sobrang lungkot nito.
"last year, bago siya pumunta ng pinas, kinausap niya ko ulit. nakipagkaibigan ulit. he's my bestfriend ofcourse i'll accept him. pero....tinraydor niya ko."
nagulat ako ng hinagis niya ang frame at nabasag ito, tumingin siya sakin, the evil eyes of my boss is back.
"tinanong niya kung anong bagong balak ni dad sa kompanya namin, anong bagong proposals, advertisement, lahat ng future na plano namin ni dad. sinabi ko sakanya lahat.. and you know what he did? ginawa niya yun lahat sa kompanya nila. kinuha niya LAHAT LAHAT ng ideya namin ni dad. lahat. muntik na kaming bumagsak.pagkatapos ng ginawa niya, pumunta siya ng pinas."
tumahimik lang ako at napayuko, hindi ako makapaniwala na magagawa ni kurt yun, he's sweet and caring, hindi ko alam kung papaniwalaan ko si christian na kakakilala ko palang, o si kurt na halos isang taon ko ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
I fell inlove with my arrogant boss!
Teen Fictioni said i'll never fall inlove with my arrogant boss..but i did.