Yella's POV
Pauwi na ako, galing school. Si Kuya naman kasi eh, ngayon lang sinabi sakin. Tss. Nag-taxi nalang ako, baka matagalan kasi kapag inintay ko pa si Manong Driver namin. Ilang minuto pa at nakarating na ako sa mansion. Inabutan ko naman don si Kuya na nag-iisip.
"Thinking huh? Why don't you buy some balloons, gifts, and cakes? " Mataray kong tanong sa kanya.
"Yun na nga nasa isip ko eh."
Nagpameywang ako. "Oh really kuya? Nice idea of yours. Tss."
"Galing ko talaga mag-isip 'no? Tara na sa mall."
"Hindi mo manlang ako pagpapalitin ng damit? Naka-school uniform ako, hindi ako papapasukin sa mall. Duhhh!" I rolled my eyes.
"Magpalit ka na. Bilis!"
Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Nilapag ko muna ang bag ko at kumuha ng damit sa walk in closet. Hindi naman ako maarte sa pagpili ng damit, kaya nakahanap agad ako. Pumasok na ako sa cr ng kwarto ko at nagpalit. Mabilis lang akong nagpalit at saka bumaba na kung nasaan si Kuya. Nakita ko naman siyang nakasakay na sa kotse niya kaya sumakay na 'rin ako.
"Anong bibilhin natin?" Tanong niya habang nagda-drive.
"What happened to your balloons, gifts and cakes?"
"Oo nga pala. Haha''
"Tss. HAHAmbalusin kita diyan Kuya eh."
Nakakaloka lang, bakit kapag surprise kay Ate Laurice hindi niya nakakalimutan? Pero kapag anniversary ng parents namin halos magkanda-ugaga na kami kung anong dapat unahin dahil nakalimutan namin. Naisip ko tuloy, mabait ba kaming anak ni Kuya? Mabait ba akong anak?
"Lalim ha, malunod ka." Biglang sabi ni Kuya.
"Bilisan mo nalang Kuya."
"Paano ko bibilisan, kung nandito na tayo ha?" Tumingin ako sa labas. Nasa parking lot na pala kami ng Mall. Shocks! Ganon na ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko namalayan na nandito na kami?
"Ako na magbubukas nung pinto diyan sa'yo, baka matalisod ka pa sa lalim eh. Hahahaha!" Pang-aasar ni Kuya.
I rolled my eyes, as if naman pumalakpak ako 'di ba?! Bumaba na si Kuya, at katulad nga nung sinabi niya pinagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman naman si Kuya, may saltik nga lang minsan parang ako.
Dumaretso agad kami sa isang Shop ng Cake para bumili ng sapatos! Joke lang! Syempre para bumili ng cake. Ano pa ba bibilhin don? Alangan namang 'yung nagtitinda.
"Anong flavor ba masarap little Y.D?"
"Kahit ano nalang Kuya. Pare-parehas cake 'yan." Pumili na siya at binili yon. Pagtapos ay pumunta kami sa department store para bumili ng regalo.
"Bag ang ibibigay ko kay Mommy, at relo naman para kay Daddy." Sabi ko kay Kuya. Tumango naman siya at naghanap ng ireregalo niya. Nang makahanap na siya, ay nagbayad na agad kami.
Kung iniisip niyo na paano namin maibibigay ang mga regalong ito sa parents namin, dahil wala naman sila dito ngayon sa bansa. Well, uuwi sila mamaya or bukas. Lagi naman silang nauwi dito sa Pilipinas kapag anniversary nila.
"Little Y.D, arcade tayo?" Nagyayaya ba talaga si Kuya?
"Sure!" Matagal-tagal na rin naman kaming hindi nakakapag-arcade ni Kuya, kaya masaya 'to ngayon.
BINABASA MO ANG
Let's Act (Wag Kang Mafa-Fall)
Teen FictionDon't act if you know the truth, just face the Reality and throw the Fantasy. No Take 1, No Take 2, No Take 3 ON AIR tooo! Lights! Camera! Action! Let's Act