MLFTC-35

13.8K 456 35
                                    

MLFTC-35

*****

Papungas-pungas akong napabangon sa aking kama dahil sa gulat ko nang tumilaok ang tandang. Naningkit ang aking mga mata nang tumama sa akin ang sikat ng araw. Kinusot ko pa ang aking mga mata bago tuluyang dumilat at napabangon. Napahimas pa ako sa aking tiyan dahil talagang gutom na gutom na ang aking pakiramdam. Kinuha ko ang maliit na tuwalya at diretso akong pumasok sa banyo upang makapaghilamos at nang makapagsipilyo na rin. Kinuha ko ang maliit na tuwalya at pinunasan ang aking mukha. Akmang ilalapag ko na sana ito nang maalala ko ang nangyari sa akin.

Agad akong lumabas ng banyo at inusisa ang buo kong katawan. Diyos ko! Namamalikmata lang ba ako o kung ano dahil lahat ng pasa ko sa katawan ay wala na. At isa pa ang ipinagtataka ko dahil kagabi lang ay kasama ko pa si Mattheaus at nakita siya ni Egoy. Diyos ko! Napalabas ako agad ng aking silid at saktong nakatayo na si Egoy sa harapan ng aking silid. May bitbit itong pagkain ko at halata pa sa mukha ang pagkagulat.

"Ayos na po kayo ate!?" Aniya.

"Ha? Oo naman. Nga pala si Matt---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sumingit ito kaagad.

"Si kuya Keanno po ba? Nako ate, mabuti na lang talaga at dumating siya no'ng bigla kayong nahimatay. Kaninang alas-tres po niya kayo hinatid." Paliwanag niya at inilapag na lamang sa mesa ang dala niyang plato.

"Keanno?" Ulit ko pa sa pangalang binanggit niya. Napatango naman si Egoy.

"Opo ate, ang sabi niya kasi ay kailangan niya ng mga bagong nobela at sakto naman pong kapapasok niya'y nakita ka niyang nasa sahig na. Mabuti na lang talaga at maayos na po kayo ate." Nakangiting kuwento niya pa. Napatango-tango ako ulit.

"Iyang Keanno ba na tinutukoy mo ay kapatid ni kuya Steffano?" Tanong ko pa. Naalala ko kasing nabanggit ni Zsakae ang pangalan na iyan.

"Opo ate, talagang ayos na po kayo?" Paniniguro niya pa.

"Oo naman..." Nakangiti kong sagot.

Ang akala ko'y si Mattheaus ang kasama ko kagabi. Nakakainis! Wala pa naman akong maalala kung ano nangyari sa akin kagabi. Ang huling naalala ko lang ay 'yong Keanno na tinawag ni Egoy. Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang aking mga daliri at pilit na inaalala sa aking utak ang mga eksena kagabi.

"Mukhang maayos na nga talaga kayo ate. Ganda pa nga po ng buhok niyo e. Gumanda ka po lalo sa kulay na 'yan ate." Wika ni Egoy na ikinagulat ko naman.

"H-ha?" Nakaawang pa ang mga labi ko at kumunot na ang aking noo. Nang makabawi ako sa pagkagulat ay kaagad kong sinipat ang aking buhok. Halos mamilog ang mga mata ko sa nakita ko. Diretso akong napatakbo pabalik sa aking silid at agad na pinuna ang aking sarili sa harapan ng salamin.

"Diyos ko!" Naisambit ko habang tutop ko ang aking bibig.

Napahawak ako sa aking buhok. Kailan pa ako nagpakulay ng buhok!? Ngunit natigilan ako. Sa pagkakaalala ko'y ganitong-ganito ang nakikita kong kulay ng buhok ko sa tuwing napapatitig ako sa nakapintang larawan noon sa unibersidad na pinagtatrabahuan ko; kulay gintong mapusyaw. Imposible! Napalabas ako muli ng aking silid.

"Egoy! May napuna ka bang larawan na 'yong parang nasa isang malaking bulwagan pagkatapos ay may lalaki at isinasayaw niya 'yong babae? Tapos ano? May malaking salamin din." Tarantang tanong ko pa kay Egoy.

Napahinto naman ito sa paghahain ng agahan namin.

"Po? Paano niyo po nalaman 'yan ate?" Gulat din namang sagot nito.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon