MLFTC-37

12.7K 422 7
                                    

MLFTC-37

*****

Hinalikan ko ang kanyang noo at ginulo ang kanyang buhok.

"Ikaw talaga, nag-abala ka pa. Pauwi na rin ako e." Sabi ko pa.

"Kahit na ate, baka mahimatay na naman po kayo e." Napangiti ako rito at bumaling sa aking pinsan na nakangiti lang din naman habang nakasandal sa pinto.

"Ate, pasensya ka na ha kung 'di po ako nakakapagtrabaho ng maayos." Paumanhin ko. Kahit naman na pinsan ko ito'y nakakahiya pa rin.

"Walang problema sa akin 'yon Yana, ang importante ay ang kalusugan mo. Sige na, lumakad na kayo." Ani ng pinsan ko.

Bumeso ako kay ate Catherine at lumakad na palabas ng bahay niya. Nauna na ring lumakad si Egoy, ngunit bago pa man ako makalabas sa bakuran ng pinsan ko'y bigla niya akong tinawag.

"Yana, huwag ka sanang papasok pang muli sa kabilang bakod nang walang paalam. Nakikiusap ako sa iyo." Anito na ikinabigla ko.

"Paano mo nalaman ate?" Taka kong tanong.

"Si Zsakae, masyado kasing madaldal ang batang 'yon. Ngunit sana'y pakinggan mo sana ang pakiusap ko Yana." Anito at bigla sumeryoso ang mukha.

"S-sige po..." Sagot ko na lamang upang matapos na ang usapan.

Lumakad na ako at humabol kay Egoy. Malalim akong napahugot ng hininga. 'Patawarin mo ako ate Catherine dahil hindi ko magagawang sundin ang nais mo.' Mas maalab ang pagmamahal ko kay Mattheaus kaya kahit ano pang gawin nilang pagbawal sa akin ay hindi ko ito susundin. Sa oras na buksan muli ni Mattheaus ang lagusan sa museo ay mapapadali ang pagdalaw ko sa kanya. Ngunit kung hindi pa rin ay mapipilitan akong pumuslit sa kabilang bakod. Iyon lang ang isa pang tanging daanan ko papunta sa kanya. Harangin man ako ng sibat ay hindi ako makakapayag na hadlangan ang pag-ibig na mayroon ako para kay Mattheaus.

"Ate Yana, dumaan si kuya Zsakae kanina. Nag-iwan nga po ng bulaklak at mga prutas." Wika ni Egoy.

Napataas ako ng aking kilay. Tila yata iba na ang ipinapahiwatig sa akin ni Zsakae. Ang akala ko ba'y nagkaintindihan na kami.

"Dalian mo na Egoy." Sagot ko na lamang at binilisan ang aking paglalakad.

Hindi nagtagal ay narating na namin ni Egoy ang silid-aklatan. Umuna akong pumasok at agad na dumiretso sa tinutuluyan namin. Gaya nga nang sabi ni Egoy ay may mga bulaklak nga at prutas na nasa mesa. Ngunit iba yata ang hanap ng dila ko ngayon. Gusto ko 'yong katas na galing sa ubas at berry, iyong inoming gawa ni ate Catherine. Saan kaya niya natutunan 'yon?

"Ate Yana..." Tawag sa akin ni Egoy.

Nang lingonin ko siya'y bahagya pa itong natigilan.

"Bakit Egoy?" Tanong ko.

"Ate may suot ka ba no'ng pangpakulay sa mata? Ang astig ate Yana, kulay dilaw, bagay sa 'yo." Nakangiti pang wika ni Egoy sa akin.

Ang tinutukoy niya ba ay iyon pamalit sa salamin sa mata? Namilog ang mga mata ko at diretso napapasok sa silid ko. Agad kong inusisa ang mga mata sa harapan ng salamin. Natutop ko ang aking bibig. Diyos ko! Totoo ngang nagbago ang kulay ng mga mata ko. Diretso ako agad sa banyo at naghilamos. Nang matingnan ko muli ang mga mata ko sa salamin ay bumalik ulit sa normal ang kulay nito. Napabuga ako ng hangin. Sa lakas ng tibok ng puso ko'y halos bumabakat na ito sa damit ko. Sinapo ko ang aking dibdib at pinakalma ang aking sarili. Diyos ko? Ano na ba itong nangyayari sa akin at parang hindi na ito maganda.

Una ang buhok ko, ngayon nama'y mga mata ko. Napasandal ako pinto. Mukhang kailangan ko na yatang magpatingin sa doktor. Para yata akong nakulam o naengkanto.

Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na ng aking silid. Wala si Egoy nang lumabas ako kaya tinungo ko ang silid-aklatan. Nagliligpit ito ng mga libro.

"Hindi ka na ba magbubukas Egoy?" Pukaw ko rito. Nahinto naman ito at nilingon ako.

"Nako ate Yana, alas-tres na ho ng hapon. At saka konti lang naman po ang mga taong dumating ngayon." Sagot nito.

Napatango ako. Alas-tres na pala ng hapon at hindi ko man lang namamalayan. Tinulungan ko na lamang si Egoy na maglipit ng mga librong nakakalat sa bawat mesa.

"Tinanggal niyo po 'yong nasa mata niyo ate?" Wika pa ni Egoy bigla kaya napatigil ako.

Napalunok at lumakas na naman itong tibok ng puso ko.

"H-ha? Ay oo Egoy. Ano kasi...sagabal sa mata." Pagdadahilan ko pa.

"Ah, bagay pa naman po sa inyo." Aniya.

Ngumiti lamang ako ng tipid at nag-iwas na nang tingin sa kanya. Ngunit natigil din naman ako dahil may nakalimutan akong itanong.

"Egoy, may doktor pa ba sa klinika ngayon? Gusto ko sanang magpakunsulta at kung puwede sana ay magpapasama na rin ako sa iyo." Nagbago naman ang anyo ng mukha nito, tila ba nag-alalang bigla sa akin.

"May sakit ka ba ate?" Malungkot na tanong naman nito. Lumapit naman ako sa kanya.

"Egoy naman, wala akong sakit. Gusto ko lang magpatingin sa doktor kung maayos ba ako. Alam mo namang lagi ako nagkakasakit, 'di ba?" Paliwanag ko.

Niyakap naman ako nito bigla.

"Basta ate, sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka ha." Anito.

"Pangako Egoy, pero parang gusto 'yong inoming kulay dugo. Marunong ka ba no'n Egoy?" Napaangat naman ito ng kanyang ulo.

"Iyong ubas at berry po ba ate? Oo naman po! Si kuya Keanno ang nagpauso niyan sa kabilang bakod e." Aniya at humiwalay na sa akin.

"Keanno? Siya 'yong tumulong sa akin, 'di ba? Ang dami naman niyang talento." Wika ko pa.

"Naman ate. Igagawa ko kayo pag-uwi natin mamaya. Dadaan na din ako sa bayan para bumili ng sangkap." Ani Egoy.

Kumikit-balikat lamang ako at ipinagpatuloy na namin ang pagliligpit.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon