[LEE'S P.O.V]
Nagising ako na wala na si Dominique sa tabi ko, ewan ko peo merong part sa dibdib ko na kumirot. Siguro pang past time lang ako? Ginagawa niya lang yun kasi bored na siya sa bago niya? :(
Nagpunta ako sa kusina, magluluto sana ko ng breakfast pero nagulat ako nung may nakita akong cooked ham and egg with fried rice sa lamesa! Habang kumakain ako napansin kong may nakadikit na note sa may Ref.
Babe,
Please dont let anyone know about what happened last night. Lets just act na parang walang nangyari. Wag kang mag-alala, ikaw pa rin yung mahal ko. Hindi mo pa kasi talaga naiintindihan ngayon. I love you! Ingat sa pag pasok.
-Dom<3
Ganon? Ayaw niya talagang may maka-alam ng nangyari kagabi? Kinakahiya niya ba ko? Wait, tama. Hindi ko lang talaga siguro naiintindihan yung sitwasyon, alam ko namang may dahilan lahat to e.
--
Habang nagpeprepare ako papasok ng school, sunod sunod na tumunog yung doorbell ng unit ko. Tss, siguro si Darren to?! Siya lang naman yung mahilig pindut pindutin yung doorbell eh! Minsan nga Love me right ng exo yung style ng pagpindot niya. Akala niya naman napaka-gandang pakinggan.
Binuksan ko yung pinto, pero aba si gago tuloy parin kakapindot!
"Ano ba Darren? Umalis ka na nga lang dito kung gusto mong magpipindot ng doorbell." inis na sabi niya.
"Aww. Darren daw oh! Oo na! Sorry na! Bakit di ka pa naliligo?! Papasok na tayo gaga." sabi niya.
"Paligo palang ako tanga. Kaso dumating ka."
"Maligo ka na nga dun! Hihintayin kita dito!"
--
[DARREN NICK'S P.O.V]
Habang iniintay kong matapos maligo si Lee-it, pumunta muna ko sa kusina niya para kumain. Habang ineexplore ko yung mga cabinets nya dun, may nakita akong note na nakadikit sa Ref niya.
Babe,
Please dont let anyone know about what happened last night. Lets just act na parang walang nangyari. Wag kang mag-alala, ikaw pa rin yung mahal ko. Hindi mo pa kasi talaga naiintindihan ngayon. I love you! Ingat sa pag pasok.
-Dom<3
Anong ibig sabihn neto? Nagkabalikan na ba sila ni Dominique? Bakit ganon? Bakit ang sakit sakit? Akala ko ba tanggap ko na na hanggang magkaibigan lang kami? Diba dapat maging masaya ako para kay Lee? B-bakit nasasaktan ako?
Nung narinig ko yung pagpihit niya ng doorknob, tumakbo agad ako papuntang sala tapos nagtulug-tulugan.
"Aba gago, hoy! Akala ko ba papasok na tayo?!" sabi ni Lee tapos maya maya hinampas ako sa mukha. Grabe siya :( Lagi niya nalang akong sinasaktan.
"Ano ba?! Tangina neto. Kitang natutulog yung tao e! Tignan mo nga! Naka-tapis ka lang! Magbihis ka nga muna don! Kala mo talaga ang sexy e no?!" pang-aasar ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Daddy na ko?!
HumorAko si Lee Hyun, babaeng nabuntis at tinakbuhan ng nakabuntis sakin. at sa kasagsagan ng pagluluksa ko, nakilala ko siya. Si Dominique Vargas ang lalaking umako ng responsibilidad sa anak ko at ang lalaking.. nagpatibok ulit ng puso ko.