CHAPTER 5

105 6 0
                                    

The Longest wait

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis ako sa nangyari. Eto nanaman si Nicole sa pangunguna sa mga desisyon.
Bakit pa siya nag set ng meeting kung planado na din naman?

Badtrip.

Calm down Matt.
Wala ka pa sa kotse di ka pa pwedeng sumabog sa inis.

Breathe in. Breathe out. Brea..

"Matty", nagaalalang pagkakasabi ni Lee sa pangalan ko habang tinapik niya ang balikat ko.

Napalingon ako sakanya at ngumiti, "Ayos lang ako Lee. Huwag kang magalala. Besides the deal is good for us too, ma-delay lang ng konti but we'll get there. Hindi rin naman siguro masamang mag work ng isang project before Vogue right? I mean, kelangan talaga natin gawin ito para makuha ang project for Vogue."

Hindi na nagsalita si Lee. Siguro e alam niya din sigurong medyo nadisappoint ako sa nangyari. He knows I'm looking forward to this so much but ended with a different story.

Vienna is still out of my reach.
Mavis too.

Nakarating kami sa kotse ni Lee ng walang usap. Kahit si Nicole e hindi kami pinagpaalaman pagkatapos ng meeting. Binuhay ko na ang kotse at matuling nagmaneho pauwi, gustong gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod ang araw na ito.

Inihatid ko si Lee sa bahay nila. Bumaba si Lee sa kotse at bago isara ang pinto, tinignan niya muna ako ng tila may gustong sabihin. Hindi ako nakatiis.

"Ano ba yon? Sabihin mo. Kanina ko pa napapansin may tumatakbo sa isip mo?"

"Eh friend, naisip ko lang naman bakit hindi tayo mag unwind mamaya? Dinner tayo sa favorite cafe mo! Treat ko!", sobrang ngisi niyang sinabi ang mga salita na para bang pinipilit niya akong huwag tumanggi.

"Ayoko.", sabay alis ng tingin sakanya.

"Sungit naman nito! Sige na. Libre ko na nga e. Tsaka para mapagusapan nadin natin anong gagawin mo kay Nicole, huwag mong sabihing papalipasin mo nanaman ito dahil sa 'utang na loob'?"

Tama siya. Ilang beses ng pinangungunahan ni Nicole ang mga desisyon ko, pero kasi anong magagawa ko? Siya naman talaga ang naglagay sakin sa mundo ng photography.

"Sige na. Oo na. Matigil ka lang. Tsaka para di na pumasok init at usok sa kotse ko, kanina pa bukas ang pinto."

"Arte mo! Basta ha, 7 PM. Crest Cafe."

"Opo Sir Lee. Tama na po ngiting hanggang tenga."

"Bruha! Miss ako no, MISS hindi sir. Che! Babush na nga. Thanks sa ride! Mua mua!", kumindat at kumembot pa siyang sinabi ito habang naglalakad siya papasok ng bahay nila.

Napailing nalang ako habang natatawa. Buti nalang meron akong kaibigan katulad ni Lee.

*Eeeng eeeng eeeng eeeng*

Nagising ako sa tunog ng aking alarm. Natulog nga pala ako pagkauwi ko. Suot ko pa rin ang mga damit na gamit ko kanina.

Hays, nakakapagod ang araw na ito.
Huwag ko nalang kaya puntahan si Lee mamaya?
Haha siguradong magagalit saakin yon.
Speaking of makapaghanda na.

Nagmadali akong naligo at nagayos. Nag-suot na lamang ako ng jeans at itim na na polo, longsleeves siya pero dahil mainit itinupi ko ng hanggang siko ang manggas nito.

Nakarating ako sa Cafe ng 6:45, halos 10 minutes lang biyahe ko dahil medyo malapit lang ang bahay ko dito. Sa Paranaque ako nakatira pero dahil malapit ako sa BF kung saan ang Cafe e mabilis lang talaga.

Favorite ko dito sa Crest Cafe. Hindi lang dahil sa nagse-serve sila ng isa sa mga the best na French Toast dito sa Pilipinas e dahil ang ganda ng interior nito. Pinaghalong photography at music ang tema. Medyo country style. Magandang combination, para saakin e perfect combination. Meron din tumutugtog na banda o mga amateur singers every friday. Open-mic kasi yon.
Saktong sakto friday ngayon. Mabuti na rin palang pumayag ako kay Lee.

Pumasok na ako at pumunta sa favorite spot ko. Sa gilid ng pader na may ibat-ibang collage ng polaroid at may mga nakasabit na lumang gitara, magkaibang klase. Bukod doon ay kitang kita ko kasi ang buong view ng cafe, lalo na ang mini-stage sa harap.

"Wow Sir, you're early."

"Ayoko kasing pagintayin ka MISS.", pang-asar kong sinagot si Lee. Nakasuot siya ng Polo shirt na black at shorts na brown. Wow. Parehas pa kaming black ang color ng top.

"Wow naman. Amazing. So meaning nagluluksa na tayo sa pagtatapos ng koneksyon mo kay Nicole?", natatawang sinasabi ni Lee na may kasamang sloww clap habang umupo siya sa katapat na upuan.

"Hindi. Ikaw talaga Lee. Malay ko ba na black din i-suot mo? Akala ko mag red ka o pink dahil friday ngayon. Madaming lalaki sa sa tabi tabi."

"Gaga. Kaya nga ako ng itim kasi nga pinagluluksa ko na ang katapusan ng lahat ng ito."

"Tumigil ka.", masungit kong sinabi kay Lee. Hindi ko pa alam gagawin ko. Hindi ko pa lubos na napapagisipan, kung aalis na ba ako sa impluwensya ni Nicole. Pero.. Ay ewan.

"Char lang! Biro lang. Sungit mo nanaman. Kaya nga paguusapan ngayon diba? Pero bago yan order muna tayo."

Itinaas ni Lee ang kamay niya upang tumawag ng waiter. Mukhang tama na rin siguro ang advicni Lee.

"..tapos available ba ngayon Pesto Pasta niyo? Kung meron yun nalang. How bout' you Matt?", tumingin siya saakin at nakaturo ang kanyang daliri.

"The usual. Thank you Kurt."

Tumango ang waiter na si Kurt at inulit ang order namin. Pagkatapos ay nginitian ko siya upang sabihin na okay na ang lahat.

"Serving time is fifteen minutes. Just call if there is anything I could help you with. Excuse me. Enjoy your stay."

"Hoy!", iritableng tinawag ni Lee ang atensyon ko.

"Bakit?"

"Siya nginingitian mo tapos ako hindi? Ikaw lang naman iniisip ko."

"Hindi ano ka ba. Pinagiisipan ko kasi ang sinabi mo."

Sumimangot si Lee at uminom ng tubig, "Alam mo kasi Matty pang limang beses na niya yan. Hindi lang ako nagsasalita noon dahil alam kong hindi mo ako papakinggan, at naiinintidhan ko din naman kung anong pinanggalingan mo. But you shouldn't let her boss you around. She takes credits for what you do and even make deals without your permission. Lalo na ngayon, hindi papala sure ang Vogue deal mo ang buong akala natin e sigurado na yon. Yun pala e kelangan mo munang maging free photographer sa isang project niya bago ka kuhain for Vogue. Pinaasa ka."

Naiinis na sinabi ni Lee ang mga salitang yon, umiirap pa siya everytime na binabanggit niya si Nicole.

Huminga ako ng malalim at pinatong ang kanan kong kamay sa lamesa, "Lee, Unang una nasa company niya ako. Pangalwa, nakalagay sa kontrata na isa siya sa mga may karapatang mag-decide sa mga projects na kukunin ko. At pangatlo, hindi nalang din dahil sa utang na loob ito."

Tumigil ako sa pagsasalita. Na-realize ko na kung bakit sobrang frustrated ako na matatagalan bago ako makarating ng Vienna, kung bakit naiinis ako sa nangyaring desisyon, kung bakit ganito nalang ako kalungkot dahil magiintay pa ulit ako.

Hinawakan ni Lee ang kamay ko.

"Alam ko na.", ngumiti siya at tumango.

Tila naiintindihan na niya kung ano yung naiisip ko.

====================================

To all of you who patiently reads this,
THANK YOU SO MUCH!! :)
May fate smile upon you all.
God Bless! :*

-makih.x

©All Rights Reserved, 2016

Somewhat how it Ended is where it all BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon