Illusions, Everywhere
Katahimikan ang pumalit sa paguusap namin ni Lee. Ayoko na kasi munang magsalita. Nakinig na lamang muna kami sa mga kumakanta sa open mic.
..Why she had to go, I don't know, she wouldn't say.
Mga ilang minuto ay dumating na ang aming pagkain. Ang pagkain ni Lee ay Pesto Pasta at Lemonade, habang ako ay Lasagna, French Toast at Brewed Coffee. Ito ang lagi kong kinain dito. Paborito ko kasi, namin.
..I said something wrong now I long for yesterday.
"Edi anong balak mo ngayon?", itinanong ni Lee habang nagiikot ng pasta sa tinidor niya.
..Yesterday love was such an easy game to play.
"Hindi ko pa alam. Pero best na sigurong gawin ko nalang. Nakapag-intay nga ako ng limang taon, mabilis lang ang anim na buwan. O.A lang talaga siguro ako. Umasa na kasi akong ngayon na ako makakarating ng Italya at mahanap si Mavis. Wala naman kasi talagang masama na gawin ko ang pinagagawa ni Nicole.", hindi ko tinitignan si Lee habang nagsasalita ako. I don't want him to see the frustration in my eyes. Naghalo nalang ako ng kape ko.
..Now I need a place to hide away.
Ipinatong ni Lee ang kanang kamay niya sa baba niya at hinawakan ito na tila ba nag-iisip, "Alam mo, kanina ko pa yan naiisip. Kaya nga ganito din ang reaksyon ko. Pero hanggang ngayon di ko padin maintindihan bakit ba hinahabol at hinahanap mo ang babaeng yon? Wala ngang kasiguraduhan na nasa Italy siya or even na mahanap mo siya. Ang taong ayaw magpakita hindi mahahanap."
..Oh, I believe in yesterday.
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Lee. Tama siya. May point siya. Hindi ko din naman sure kung nasa Vienna siya. Basta sinusundan ko lang instincts ko. At yung totoo kasi hindi ko naman nai-kwento sanya ang lahat.
"Kasi.."
"Kasi ano?", iniikot ni Lee ang straw sa kanyang baso habang di inaalis ang tingin sakin.
Tumingin ako sakanya at uminom ng kape, "Kasi.. kasi... kasi, hindi kakayanin ng konsensya ko kung hindi ko man lamang nasabi kay Mavis ang nararamdaman ko. Hindi ko kakayanin. Habang buhay akong mabubuhay sa panghihinayang at bangungutin sa lahat ng what ifs. Ayoko ng ganun."
"Matt."
"Hindi Lee! Alam ko na sasabihin mo. Pero, alam mo yun? Isang taong importante sayo bigla nalang naglaho ng wala kang ideya kung nasaan siya. Mismong pamilya niya ayaw magsalita. Bakit? Bakit ganon?", nagsisikip ang dibdib ko hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsasalita.
"Matty.."
"Tapos alam mo yung feeling na bigla nalang siyang tumakbo papalayo saakin nung gabing yon, yung gabing aaminin ko na rin ang lahat. Lee! Limang taon. LIMANG TAON kong kinimkim yon! Inintay. At iniisip. Ngayong malapit nako para makahanap ng sagot, mauudlot pa?", humigpit ang hawak ko sa tasa. Naramdaman ko ang init nito na dumadaloy na din sa buong katawan ko.
Itinaas ni Lee ang kanyang kaliwang kamay uoang tumigil ako sa pagsasalita.
"Matt Caleb! Tama na, kumalma ka at uminom ng tubig." malungkot ang mga mata ni Lee habang nagabot siya ng panyo.
Shit. Umiiyak na pala ako?
Nanginginig ang buong katawan ko at mukhang napagtaasan ko ng boses si Lee.
Epekto ng kape to.
Ititigil ko na ang pagkakape.
Ano ba to. Hindi tumitigil ang panginginig ng katawan ko."Sorry Lee, excuse me."
Kinuha ko ang panyo at pumunta sa restroom.
Naghilamos ako at tumingin sa salamin.
Nanginginig pa din ako.Calm down Matt.
Kalma ka lang.Hindi ko napansin na nadala na pala ako sa emosyon ko. Nakakahiya naman kay Lee, concern lang naman siya. Tsaka kanina niya lang ako nakitang ganon.
All this time kasi si Mavis lang talaga. Si Mavis nag tutulak sakin na mag improve pa ako at gumaling, nagbabakasaling kung malaman niya na natupad ko na ang isa sa pangarap ko e magparamdam siya o magpakita.Tingin ko..
Siguro napapagod na ako.
Siguro nga, dahil umiiksi na pasensya ko sa kakaintay.Mavis... bakit kasi umalis ka bigla?
Hindi ka man lang nag paalam.
Miss na miss na kita.
Ang dami kong kwento sayo..
Mavis.
*Knock knock*
Napalingon ako sa pinto, may gagamit ata ng restroom.
( Babae: "May tao pa ata. Balik nalang tayo mamaya."
Batang lalaki: "Pero na-wiwiwi na po talaga ako. Pwede po bang intayin nalang natin?"
Babae: "Kaya mo pa ba?"
Batang lalaki: "Opo." )Huh?
Hahaha. Yung boses na yon.
Epekto ba ito ng sobrang pag-iisip ko kay Mavis?Pati ba naman ang boses ng babae sa labas e kaboses niya.
Tigilan na nga ito. Kawawa naman ang bata nagiintay sa paglabas ko. Kanina pa nga naman ako andito.
Naghilamos ulit ako, inayos ang buhok at ang damit ko. Hindi ko din naman ginamit ang panyo na binigay ni Lee.Pag bukas ko ng pinto ay isang batang lalaki na mestiso na may kasamang babae na nakatalikod. Laking tuwa ng bata ng makita niya akong lumabas ng restroom.
"Bukas na po!", sinabi ng bata habang hinihila ang kamay ng babaeng kasama niya na nakatungo at nagte-text.
Nagmadaling inilagay ng babae ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya.
"Sige pasok na tayo.", sabi ng babae na nakatungo habang inaalalayan papasok ng restroom ang bata. Hindi niya napansin na nalaglag ang phone niya, nakaharang kasi ang buhok niya sa mukha niya, nakalugay siya.
Kinuha ko ito at inabot sakanya.
"Miss excuse me, yung phone mo nalagla..", napatigil ako sa pagsasalita ng humarap saakin ang babae.
Her hair..
Her eyes..
Her smell..
All too familiar..WHAT THE.. MAVIS?!
Mistulang tumigil ang mundo ko. Natulala ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Hindi ko magalaw ang mga labi ko.
Tila ba para akong nakakita ng multo.
====================================
Is it true? It is really it? Nagkita na nga ba sila? Hindi kaya, namamalikmata lang si Matt? Haha.
Abangan :)Thank you so much!! Please don't get tired reading my work. God Bless!
-makih.x
©All Rights Reserved, 2016

BINABASA MO ANG
Somewhat how it Ended is where it all Began
Roman pour AdolescentsIn life when everything is in to place, people tend to wish that it would last, that it would be forever. In hopes of reaching forever people will do anything especially when it comes to fulfilling a dream and finding true love. And when everything...