Prologue

5.1K 106 1
                                    

Betty's POV:

Nagising ako sa isang sofa at nagulat sa aking nakita. Sobrang ganda ng paligid na nakikita ko ngayon. Nasa isang kwarto ako na mukhang office at makikitaan talaga ng karangyaan ang bawat gamit. Nang bumaling ako sa isang gilid ay nakita ko doon ang isang family portrait.

"'Sino sila?'

Ngunit bumalik ako sa reyalidad nang makita kong may pumasok sa pinto.

"Excuse me?? Bakit biglaan niyo ako dinala dito?! Sino ba kayo ha?!" Sigaw ko sa dalawang lalaking naka black suit na nagdala sa akin sa malaking mansyon na ito. Hindi nila ako pinansin *-.-

"Padating na daw si-" naputol ang usapan nila nang magbukas ang pintuan at pumasok dito ang isang matandang lalaki.

"Chairman" bati ng mga lalaking naka black suit at nag bow dito habang nakahawak pa din sila sa mga braso ko.

"Is she that 'other' child?" Nakakapangilabot na boses ang narinig ko mula sa matandang lalaking bagong dating.

'Anong ibig sabihin niya?'

"A-anong ibig niyong sabih-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang senyasan ako ng matanda na manahimik.

"I am not talking to you." Pagpapatahimik nito sakin at sinenyasan ang lalaki na sumagot sa tinatanong niya.

"Yes chairman. Na confirm namin na siya at ang nanay niya ang kasama ng anak at apo niyo nung maaksidente sila 12 years ago pero wala po siyang naaalala." Nakatungo pa ding sabi ng lalaki habang kami ng tinatawag nilang chairman ay nagsusukatan ng tingin.

'P-paano nila yon nalaman?!'

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagsalita. "EXCUSE ME PO. I have the right to talk and ask WHAT IS THE MEANING OF THIS?!" Inis na sabi ko "Bakit niyo ako dinala dito?? At bakit alam niyo ang aksidente nanangyari samin 12 years ago? Hindi lang to kidnapping! Mukhang stalker din kayo-"

"You are going to pretend to be the heiress of the Serveda Family."

'A-ano daw?!?!?'

"H-h-huh?!?!? Okay lang ba kayo ser?!? Anong---"pinutol nanaman muli nito ang sasabihin ko at lumapit sa akin.

"Should I translate it into tagalog?" Sarkastikong sabi ng matanda at muling sumeryoso ang mukha.

Napapalunok ako sa pag aabang ng sasabihin nito.

"Magpapanggap ka na tagapagmana ng mga Serveda."

Wait...

No way...

TAGAPAGMANA?!

AS IN HEIR? HEIRESS??

......

.....

ZEUS-KO PO!!!

----------
The story is under MAJOR revision. Please patiently wait for updates :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Nerd Is The Lost Heiress??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon