Chapter1

2 0 0
                                    

RAINIE BUENCAMINO

when i look in your eyes

i can see that you

wanna be with me

but you're so scared

and i don't know

what to say or do

but the tears keep

falling in your eyes... ♬

Kinapa ko ang kanina pang tumutunog na cellphone ko. Pero agad akong nadismaya ng makita ko kung sino ang tumatawag. Siya nanaman kasi, kailan kaya ako titigilan nito?

Nang matigil na ang pag ring nakita ko kung ilang miscall na ang meron ako.

You have 10 misscall and 5 new messages

Binasa ko isa isa ang message, and sa isang text ako biglang napabangon.

From: Maedita

hey sleepyhead? Alam kong tulog kapa sa mga oras na to pero isure mo lang na nakagayak kana pag sinundo kita dahil alam mo na I HATE WAITING! I will fetch you around 10:00am ha :*

Agad akong napatingin sa oras, my god! 9:30 na. Agad akong tumakbo sa banyo at ginawa ang mga morning ritwals ko.

Namili na rin ako ng susuotin ko. Simple lang akong manamit kaya isang black jeans at white plain v-neck tshirt lang ang pinili ko at vans na black. Onting polbo, suklay, lip shiner, yan okay na.

Bago ako bumaba chineck ko mga gamit ko sa bag kung walang nawawala at syempre pinaka importante at hindi pwedeng mawala sa loob ng bag ko ay syempre ang Earphone ko.

Pagbaba ko ay saktong pagbukas ni Manang ng pinto at expect ko na siya na yun. Always on time talaga to.

"Good morning sleepy head mukang kagigising lang natin ah" seryosong sabi niya, nginitian ko na lang siya kase sigurado mabebeastmode nanaman siya pag nalaman niyang kaggising ko lang sasabihin niya nakalimutan ko nanaman usapan namin at maiinis nanaman siya, ganyan yan eh may pag ka matampuhin.

"Muka bang kagigising ko lang? Kanina pa nga kita hinihintay eh" hindi ko inaalis ang mga ngiti ko haha ewan ko feel kong ngumiti lagi, kaya maraming nagsasabe bat daw naging mag bestfriend kami eh super salungat daw kami. Ewan ko rin eh, basta one day bigla na lang kaming naging mag best of friend.

"What ever!" Sabay roll eyes niya saken at dumiretsho na sa labas.

"Alam mo nextime bigla na lang kitang susunduin sa tuwing may pupuntahan tayo para malaman ko kung nagsasabe ka talaga ng totoo" hahaha see? Napakamainitin ng ulo talaga neto.

"Kung jan ka masaya Haha" sabe ko na lang pagkasakay ko sa kotse niya.

"Teka kamusta naman pala yung manliligaw mo? Sinagot mo naba?" natatawang tanong niya. Tinignan ko siya ng seryoso, at tinaasan ko ng kilay, nangiinis nanaman kase to eh.

"seriously, ilang beses kong sasabihin hindi ko siya type, osige sabihin na natin na cute siya, mabaet, matalino, pero hindi ko talaga siya type eh" maski ako nagtataka rin kung bakit di ako nafafall kay Gray. Siguro kung sa ibang babae baka sinagot na agad siya, pero ako kase hindi. Teka maalala ko 8months na rin pa lang siyang nanliligaw sakin. Hays, bakit kase pumayag pa kong manligaw siya sakin, ayan tuloy umaasa ugh.

"Alam mo abnormal ka talaga! Isang GRAY ELIZALDE inaayawan mo? Alam mo kung ako ang niligawan niya siguro sinagot ko na agad yun, ikaw talaga Rain may pagka engot, nakakainis lang!" Wow ha! parang di talaga ko beshie nito kung makapagsalita, sa bagay immune naman na ko eh.

She Who Met A DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon