Thirteen

2.2K 151 3
                                    

Nakabalik sina Prema sa Ghenzi ng ligtas.  Pagkaraan ng ilang araw ay muli na namang naghanda si Prema sa kanyang pag-alis. Pagkatapos magpaalam sa mga kapamilya at kaibigan ay sumakay na si Prema sa kanyang puting warhorse na si Thunder. Wala siyang masyadong dala, only necessary items kasama na doon sa necessary items ang kanyang mga sandata.

Maraming tao na nakatayo sa gilid ng daan nag aabang sa kanyang pagdaan. She wave and said her goodbyes and in return they wished her safe journey.

It was the start of her journey in life.  Naglakbay siya sa iba't-ibang parte ng WereKingdom searching for happiness.  But she never found it.  Unti she finally decided to return to Quoria.

Walang pagmamadali na naglakbay si Prema. No one is waiting for her in Quoria. Wala na ang kanyang pamilya at alam din niya na ang mga taong nakilala niya noon ay matagal ng namayapa. It has been more than 900 years simula ng nilisan niya ang Quoria. Elemental mages have long lives pero hindi ganun kahaba. They could live until a couple hundred years but that's all.

Minsan sa kanyang paglalakbay pag naabutan siya ng gabi sa daan ay sa damuhan siya natutulog. Minsan naman kung may madaanan siyang bayan ay nakikituloy siya sa isang Inn. Hindi dahil she wanted comfortable bed, mas comfortable pa nga siya sa damuhan kaysa sa amoy at ingay ng mga tao sa paligid but because she wanted to hear news.

At base sa kanyang narinig, totoo ang sinabi ng weredragon sa kanya. Quoria was no longer an empire. Brun, Palan, La Fun and Tuskan, ang pinakamalalaking lupain ng Quoria ay iba't-ibang kaharian na rin. Nalungkot si Prema sa nabalitaan. At hindi lang iyon, the old king is dying, leaving two young heirs. Ang pinakamatanda ay isang General at ang bunso ay isang mage. A warrior and a HealerMage. Sino ang mas magaling mamuno sa dalawa? She will found soon enough.

Quoria was a busy bustling city. For hundreds of years ay muli na naman siyang umapak sa lugar kung saan siya ipinanganak. Sa kanyang paglalakbay patungo sa Quoria ay ni minsan hindi lumapit si Prema sa Lasang. It was the only place na pinakaiiwasan niya.  Marami ng ipinagbago ang Quoria.  The dirty road papasok sa loob ng mismong Rukai city now was a cobblestone road. May metal na poste na rin sa gilid ng daan at may globe light sa itaas.  Nang makarating siya sa mismong Rukai city ay mas lalo pang dumami ang mga poste na naglalakihan and the road widened.

The Rukai city was shaped like a pentagram.  The upper triangle is where the castle was standing. Nobles, mages and elves lives in the four triangles, Air, water, earth and Fire area. The spaces between triangles are residential area for common mortals. Rukai city have the most establishment and was the only place na halo ang mga nakatira, it also have the most Oretse, and that's where she's going.  Maghahanap siya doon ng matutuluyan.

Habang naglalakad ay hawak ni Prema ang renda ng kanyang kabayo at iginala ang mga mata sa buong paligid.  Lahat ng nakasalubong niya ay walang pamilyar sa kanya ang pagmumukha.  At higit sa lahat nakakapanibago na kahit isang elfo ay wala siya nakita.  May mangilan-ngilang napatingin sa kanya, pero dahil hindi naman nakikita ang kanyang mukha ay hindi siya pinansin ng mga tao.  Hindi naman nakapagtataka ang presence ng kagaya niya roon.  Pero kung tatanggalin niya ang hood ay siguradong pagtitinginan siya. 

Sa wakas ay narating niya ang inn, papasok palang siya ay parang gusto ng umalis si Prema. Kung dito siya manuluyan siguradong hindi siya makakapagpahinga.  The inn was so busy and full of people.  Kumain lang siya doon at umalis na.   Then she walked on until she found herself sa harapan ng isang malaking iron gate na bahagyang nakabukas.  And for the first time in centuries her heart stop beating at the sight in front of her.  Their house. The Strongbow Manor.  And it was a mini jungle.  Vines and grass are vying for a space sa kanyang tahanan, but not human...no human.  None touches or entered their house. 

Nanginginig ang kamay ni Prema na hinawakan ang gate pero hindi ginalaw.   Nakapagtatakang sa labas ng kanilang gate ay malinis pero sa loob ay sobrang daming damo.  Parang may nag aalaga sa labas pero hindi niya maintindihan bakit hindi isinali ang loob.  Pero ng makapasok sa gate si Prema she knew why.  She felt it.  Dahil sa tagal na hindi siya gumamit ng kanyang kapangyarihan ay ramdam na ramdam niya ang kapangyarihan na bumabalot sa kanilang tahanan.  It's the same feeling of magic in Lasang but this one welcomed her, hindi kagaya ng Lasang na hindi siya kilala, she felt like an intruder in that place.  But here...here is home.

Hinawi ni Prema ang nagtataasang talahib sa dinadaanan hanggang sa nasa harapan siya ng kanilang bahay.  Tumambad sa kanya ang pamilyar na malaking bahay.  Ang mga haligi, ang pinto ang walk-way, lahat ay maraming ng lumot.  Pero hindi pa rin natatabunan ang ganda ng kanilang bahay.  With an aching heart Prema stepped inside.  Walang pinagbago sa loob, kung ano ang hitsura noong huli niyang itong nakita, ganun pa rin ngayon with the addition of cobwebs and dust of course.  Their house was made of bricks and stone kaya hindi iyon basta-basta masisira, however ang kanilang mga kagamitan ay gawa sa kahoy kaya hindi umupo si Prema dahil tiyak niya na babagsak iyon sa karupukan.

And then she saw it. The wall of weapons. Her father and brothers weapons. Lumapit si Prema and touch the hilt of his father's war sword. Ang sabi ng kanyang ama, the sword was a gift to him by the finest swords smith and metallurgist in Elvedom, Master Thuros. There was no jewel on the pommel, but it was said that the sword was made by the hardest metal in Elvedom. Kung anong klaseng metal yon ay hindi niya alam. Dahan-dahang tinanggal ito na Prema sa pagkakasabit sa dingding. Surprisingly the sword was not so heavy, tama lang ang bigat nito, when she removed the blade from the scabbard just half way, the steel glinted in the light, it was still very sharp. She snap it back and put it where she took it. Lumapit si Prema sa iba pang mga sandata doon, naroon din ang mga swords ng kanyang dalawang kapatid. Prema couldn't help touching with her fingers reverently the hilt of her brothers sword. She never bested both of them, hindi siya pinagbigyan ng dalawa na manalo kahit isang beses dahil ayon sa mga ito, her enemy wont be that forgiving either.

Next she went upstairs, tiningnan din niya ang silid ng mga magulang, and saw her mothers things and cried. Aminin man niya o hindi she missed them. Kahit may galit siya sa dibdib hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pangungulila sa mga magulang at kapatid.  She know they are alive in Elveden.  Kahit iniwan at kinalimutan siya ay mahal pa rin niya ang mga ito. 

Pagkalabas niya sa silid ng kanyang mga magulang ay tinahak ni Prema ang tanging silid na ayaw niya sanang pasukin, ang study ng kanyang ama. But she found herself in front of the study door.  With a heavy sigh pinihit niya ang knob.  Ang silid ay puno ng alikabok.  Natigilan si Prema sa kinatayuan habang ang mga mata ay nakapako sa upuan na ginagamit ng ama.  Her father, the commander general.  Ang unang lalaking hinahangaan niya at pilit na kinukuha ang approval.  At ang tanging lalaking gusto niyang lagpasan ang kakayahan.   Her mentor, protector, friend and the father she loved so dearly.  The same man who left her to live in the world of humans.  Napalunok si Prema sa nararamdamang pait sa dibdib.  She refused to cry.  Matagal na panahon na ang lumipas, she's a grown up woman now, matagal na niyang tinanggap ang lahat.

Tatalikod na sana si Prema ng may mahagip ang kanyang mga mata.  On her father's mahogany table was a familiar book.  Lumapit si Prema sa lamisa at pinulot ang manipis na libro.  It was her favorite bedtime story book na malimit basahin ng kanyang ama sa kanya noong bata pa siya.  Ang bulaklak ng Engkantada.  It was a story of a flower na nakakagaling ng kahit anong sakit.  Naalala niya na gustong-gusto niya ang story na iyon dahil sa galing ng babaeng bida.  There was a powerful engkantada, a warrior and a beautiful lady.  She wanted to be the warrior not the lady na ikinatutuwa ng ama. 

As she scan the pages, a piece of paper fell down.  Yumuko siya para pulitin iyon at ng binuksan ay napasinghap si Prema sa nakita.

•note•
I admit I'm not really original. The picture above is my inspiration for the walk-way to Rukai city. Habang nag-iisip ako ng hitsura ng Rukai, yan palagi ang naiisip ko. And I ask myself, what if the light was made of magic? Diba ang bongga?  Tipid sa kuryente! And so globe light was born.
Also during summertime napapalibutan ng iba't-ibang klaseng bulaklak ang poste.  (Very true yan.) The picture was taken last february 2016 kaya may snow yan.
Sumasakit ang kamay ko sa kakadotdot ng keypad kaya ang hindi magvote sasabunutan ko!  (Joke) okey lang kahit di magvote pero kung nagustuhan ninyo dapat mag vote, pampagoodvibes ba! Ta! Ta!

ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon