Gusto Mo Siya, Di Ba?
One Shot Story
written by: kira_ogura
~~~
"How did you know?"
Sinubukan kong lunukin ang kung ano mang nakabara sa aking lalamunan. Bakit ko pa nga ba iyon tinanong gayong matagal ko na naman iyong alam?
Naramdaman kong may gumuhong parte sa aking puso.
I like her. That's it. I just like her. Yun lang. Pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang madismaya.
Minsan nga hindi ko na masabi kung pagkagusto lang ba itong nararamdaman ko para sa kanya o higit na. Hindi ko kasi mapigilan ang sariling maging apektado. Hindi ko mapigilang mapaisip at punahin lahat ng ginagawa niya, lahat ng tungkol sa kanya.
Katulad na lang ngayon.
"How did you know?" pag-uulit niya ng kanyang tanong.
Paano ko nga ba nalaman? Simple.. palagi kasi akong nakatingin sa kanya. Hindi iyon maiiwasan lalo na't sa harapan ko siya nakaupo. Pero syempre hindi ko yun sasabihin kaya nag-aalinlangan ko lang siyang tiningnan.
Hindi nahahalata ng iba at ng mga kaibigan niya iyon. Pero ako, alam ko at nakikita ko kung paano siya tumingin sa lalaking katabi niya. Kung gaano kalapad ang ngisi niya pag hindi ito nakatingin. Kung paanong pasimple niyang itinutukod ang kanyang siko sa upuan nito para mapalapit lang dito. Kung paanong lahat na ng bagay ay pinupuna niya para makausap lang ito. Mga simpleng bagay na hindi napapansin ng iba, maging si Grant mismo, pero hindi nakakalampas sakin.
"Obvious ba ko? And here I thought I'm good at acting like he's not special to me. May nakahalata pala." natatawa niyang sabi.
Damn! Bakit ba kasi hindi na lang niya tinanggi? Nahahalata ang pamumula sa kanyang mukha pero diretso pa rin ang tingin niya sakin pati ang kanyang pagsasalita. Hindi niya talaga ikinakahiyang may pagtingin siya kay Grant.
"Hindi." sabi ko, wala sa sarili.
"Huh?"
"Uhh. Ibig kong sabihin, kung obvious ka, alam na sana nilang lahat. Pero hindi, kaya hindi talaga."
"HUH?"
Lagot. Ako pa yata ang mapapaghalata dito.
Natawa siya nang hindi ako nakasagot.
"Bakit sa ating dalawa, parang ikaw itong nabuko kung umakto? Hahaha! Okay lang naman sa akin, wag ka nang mailang. Tutal hindi ko rin naman yun itinatanggi." Yun na nga e.
"Sorry."
Sabi na, maling nagtanong pa ako.
"Its okay. At least nga ngayon may pwede na akong pagsabihan pag kinikilig ako, di ba? Hehe. Hindi mo naman ipagsasabi di ba?"
Sabi na nga ba, maling nagtanong pa talaga ako!
"Oo naman." labas sa ilong na sabi ko.
"Aasahan ko yan ha, Mon." At umalis na siya sa karapan ko.
'Gusto mo siya, di ba?' Ano nga bang pumasok sa isip ko at tinanong ko pa yun?
Ugh.
---
Nagsimula iyon ng pinauso niya ang pagtawag sa akin ng Mon.
"Asan ang sayo, Kelly?" Biglang kumunot ang noo ko. Na naman.
"Nako, Lana. Baka hindi ka pansinin niyang si Monasterio pag tinawag mo siyang Kelly." paalala ni Lea sa kanya.
"Bakit ba? Palagi niyo akong pinupuna pero di ko naman alam ang dahilan kung bakit. Ano bang meron? Maganda naman ang pangalang Kelly ah."