One Ok Rock - Chapter 32

251 20 30
                                    








Rock 32


"You look nervous, Heart? Do you really hate riding a ship?" malamlam ang mga mata na tanong niya sakin.

Hinagip ko iyong kamay niya sa ibabaw ng table at pinisil. "N-no, it's okay. I just have my reasons... soon I'll tell you everything." makahulugang sambit ko habang nakatitig sa magaganda niyang mata.

"Kinakabahan ako sa everything na iyan para kasing ang lalim ng hugot mo." dagdag pa niya at hinawakan din ang kamay ko.

"Yeah, soon kid.. I'm sorry it's just that I am not yet ready."

"Huh? Naguguluhan ako sa'yo, Takahirock." kumunot 'yung noo niya at nag-pout ang lips niya.

"Let's not talk about it! So why are we here again?"

Sumigla na ulit iyong expression ng mukha niya. "To celebrate our thirty-fifth days. Ika-thirty five days na natin ngayon, Heart. Happy first thirty-fifth days together!"

I manage to give her my sweetest smile. "Why thirty-five? Pwede naman na thirty-six, seven or one hundred?" curious kong tanong.

Nakatitig lang ako sa maganda niyang mukha. Kahit nababalutan na siya ng jacket ko maganda pa rin siya. Lahat ng isuot niya bagay sa kanya. Ganyan katindi ang appeal ng babaeng 'to.

"Ilang buwan na rin tayong magkakilala. Nag-open ka na sakin about sa family mo. Kilalang-kilala na kita. I even met your brother Hiro. Ngayon ko lang na-realize na hindi mo ako tinatanong about sa personal kong buhay. You never ask me about my parents and such thing. Why?"

Masarap sa pakiramdam ang hangin na tumatama sa balat ko habang napapaligiran kami ng magarbong ilaw mula sa cruise ship.

"I never ask you because I know one day you'll tell it yourself."

She nodded and keeps holding my hand and doing her habit. "I'm an only child that's why I easily get closer to boys. Gusto ko kasi dati na magkaroon ng lalaking kapatid. Palagi kong kinukulit sina Mommy and Daddy before. Then one time biglang nag-aya si mommy na maglibot kami through a cruise ship. I was so happy kasi first time kong makakasakay sa barko tapos cruise ship pa sabi nila lilibutin daw namin ang mga magagandang lugar sa mundo. During the vacation sinabi ni Mom, sa'min ni Dad na buntis siya at magkakaroon na ako ng kapatid. I was so happy that time kasi malaki ang chance na matupad na ang pangarap kong magkaroon ng kapatid na lalaki. Sobrang saya rin ni Dad. We're one happy family. I felt so love during the whole cruise ship time." matiim lang akong nakatitig sa kanya. I don't want to miss any single detail about her story.

"But every happy memories together came to an end. We came back to the real world. My dad, he's an artist like you. He also owned a publishing company. It focuses on musics, concerts, celebrities and stuffs like that. Magkaiba ang mundong ginagalawan nila ni Mom. My mom, as you know owned this clothing line company and a lot of different businesses. Dad wanted Mom to stop working for the meantime to protect the baby inside her. Mom, during that time is in the process of making threeS, be known in the United States so she refused to. Sabi niya kaya pa naman niyang magtrabaho. She said she will stop if malapit na ang kabuwanan niya at kapag hindi na talaga niya kaya. Masyado raw critical ang condition ng company that time kasi ang laki na ng nailabas niyang pera para ma-i-expand ang company sa US. Dad, tried to stop her pero gaya ko matigas din talaga ang ulo ni Mom. Things worsen up ng kinailangan ni Dad pumunta ng abroad for three months. Syempre business related thingy." habang nagkwe-kwento siya sakin nakayuko siya at hinahaplos ang wrist ko.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon