My Love Poem

24 0 0
                                    

Hello, eto po ang pangalawa kong gawa rito sa Wattpad. Hindi po ito storya kundi tula. Ginawa ko po ito 2 years ago para sa project namin sa Filipino at ngayon ko na lang ulit nakita. Gusto ko itong i-share sa inyo so sana magustuhan niyo po. :) Thanks :)

~~~~~

Sa iyong mga mata, ako'y nabighani,

Sa isipan ko, ika'y naghahari.

Nag-uumapaw ang sayang hatid,

Nang damdamin kong ito na sana'y mabatid.

Sa tuwing ngalan mo'y nauulinig,

Sumisigla ang aking daigdig.

Para bang ang araw ay muling sumikat,

Kasabay ng katanungang ako ba'y karapat-dapat?

O bakit ganito, ako'y naguguluhan,

Damdamin kong ito'y di-maintindihan.

Paghanga lang ba ito o pag-ibig

Ni hindi mabigkas ng aking bibig.

Sa tuwing kausap ka, ako'y nangangatog

Sa isipan ko, may musikang tumutugtog

Puso ko'y bumibilis ang pagkabog

Na para bang handa na 'tong sumabog.

Sa ngiti mo'y tinamaan ako,

Puso ko ay agad mong napako.

Laging ikaw ang aking hinihiling,

Pag-ibig nga naman, sadyang kay galing.

~~~~

Sana po nagustuhan niyo. Alam ko maraming makakarelate rito ;)

Vote and comment naman po dyan. :) thanks ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Love PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon