Ang Pulang Bato

679 6 6
                                    

Isang araw may isang batang nagngangalang Carlitos. Si Carlitos ay likas na masiglang bata ngunit mailap sa tao dahil sa kinasanayan nitong buhay. Ni ayaw kasi sya palabasin ng bahay ng kanyang Ina. Bagamat ay gustong gusto nitong mkapaglaro sa labas. Ay humahanap sya ng butas upang matakasan ang Inay nito.

Si Carlitos ay bunso sa tatlong anak nina Aling Rosita at Mang Peping. Ang dalawang anak pa nito ay sina Carlos na panganay at ang pangalawa nito ay si Clarisa.

Nsa ika pitong taong gulang noon si Carlitos at pilit na nangungulit sa Ina nito na payagan syang lumabas "Gusto ko pong maglaro sa labas. Payagan ninyo ako" ani Carlitos

"Hndi maaari matagal ng sinabi sakin ng iyong Itay na dapat ay naririto ka lamang" saad ng kanyang ina

"Bakit po ba hndi ako pwede lumabas?" tanong nito

"Hndi mo pa maiintindihan kahit anong pagpapaliwanag ko sayo, pumasok kana sa silid at doon ka na lamang maglaro" patuloy nito

Umiiyak muli ang paslit na bata dahil sa kagustuhan nitong lumabas.

Naisip nyang tatakasan nalang ang kanyang inay kapag ito ay umalis hndi maintndhan ni Carlito ang lahat kung bakit palagi lamang sya ikinukulong at hindi rin sya pinag aaral.

Kinabukasan, "Carlito halika at may ibibilin ako sayo. Pakainin mo ang iyong itay pag itoy nagising aalis ako at mamamalengke" saad ng ina

Sinunod nya ang bilin ng kanyang inay, ang kanyang tatay kasi ay apat na taon ng hndi nkakalakad dahil sa naputol ang paa nito at gumagamit lamang ito ng gulong na upuan kung ito ay babanyo.

Nakarinig si Carlitos ng isang kahol ng aso. At tumawid ito sa bintana ng kanyang silid.

"Ssssshhhh halika at wag ka sumigaw lumapit ka sakin wag ka matakot" sabi ni Carlitos sa aso

Tumahimik ang aso at lumapit ito kay Carlitos.

Pagtitig nito sa kanyang mga mata ay tila natakot ito sa kanya at tumakbo paalis na para bang nakakita ito ng halimaw.

Nakaalis ang aso at naglaro na lamang sya. May nakita syang isang batang at nakipaglaro sya dito. Di kalauan ay nakarating na si Carlitos sa kabilang baryo.

"Sino ang batang yan? Ngaun lang natin yan nakita dito ah" sabi ng isang ale na kilala sa bansag na aling taba.

"Baka dayuhan, Tanungin natin sya" saad naman ng isang ale na si aling makita

"Bata taga saan ka? At saan ka nakatira? " sabi ni ale makita

"Doon po sa may likod non may malaking puno sa my tabi po ng kweba des gracia" sabi ng batang paslit

"Naku hndi bat mga halimaw ang mga nakitira doon paggabi lamang sila lumalabas at matagal ng sarado ang baryo makipot" bulong ni aleng makita kay aling taba

"Eh Bakit ngaun ka lamang namin nakita? Sigurado ka bang don ka nakatira" ani naman ni aleng taba

"Bawal dw po kasi ako lumabas ng bahay mananagot daw po ako. Opo doon po ako nakatira" saad ng paslit

"Cge po aalis na ako, baka po managot ako sa inay" habol nito

Takang taka ang dalawang ale sapagkat matagal ng sarado ang baryong yoon. Baka nagkamali lang daw ang bata.

Pagkapatak ng alas dos ng hapon. Ay naitago nya sa ina na sya ay lumabas. Dumating ang ina nito at tinanong kung kumain na ang itay nito.

"Lito napakain mo ba kanina ang iyong itay?" tanong ng kanyang ina

"Opo inay" sagot naman ng bata

Kinagabihan, nawala sina Carlos at Clarisa. Pumatay na naman sila ng tao sa kanilang lugar upang may ipangkakain muli sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pulang BatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon