Bryse.
Yan lang ang nasa isip ko buong klase. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba.
Buti na lang vacant na ako. Kailangan ko pa sunduin si Chelsea sa room niya. Kawawa naman kasi walang kasama, mag kaaway nanaman sila nung boypren niya na pangit ang pangalan.
Pag dating ko ng room niya, hindi ko siya nakita, kaya nagtanong ako dun sa isang kaklase niya.
"Ate, Nasan po si Chelsea?"
"Kakaalis niya lang po, kasama si Denver"
"Ha? Bati na sila?"
"Uhm di ko po alam basta nakita ko silang sabay na umalis."
"Ah sige, thank you"Hay nako. Nakakainis talaga yang si Chelsea, Hindi nagsasabi kung sasabay or hindi, mukha tuloy akong tanga dito sa cafeteria dahil mag isa lang ako. Pag nakita ko talaga yun lagot siya sa akin. Kupal yun eh.
Habang kumakain, may biglang umupo sa table ko. Hindi ko agad napansin kung sino yun dahil gutom talaga ako. Nung tumingala ako, nagulat ako nung nakita ko kung sino siya.
"Ba-----ba-bakit ka n-nakain dito?" Grabe nautal kong sinabi hays ang Bobo mo talaga Bella!!!!!!!
"Di mo ba talaga ako natatandaan no? Kinalimutan mo na ako." sabi niya.
Pero litong lito ako sa sinasabi niya at di ko siya tanda eh.
"Hindi nga talaga. Ako yung kasama mo sa hospital, nung naaksidente ka, Pareho tayo dati ng room sabi pa nga nila, napakalala daw ng sitwasyon mo nun pero nagkakausap tayo pero di na kita nakita ulit kasi gumaling na ako at nagkapera para makaalis ako sa hospital na yun. Pero nagkamnesia ka pala, hindi nila sinabi sakin." Sabi niya..
Naaksidente ako? Nagkamnesia ako? Nakilala ko siya? Ang dami kong dapat itanong kay Mama. Di niya man lang sinabi yun. Kaya pala noong grade 5 ako, naabutan ko nalang na nasa hospital ako pero wala man lang silang sinabi kundi ngiti na parang hindi na ako mawawala sa tabi nila pero Di ko na yun pinansin.
"Grabe naman ako lang nagsasalita dito Bella!" Woops kanina pa pala si Bryse nagsasalita. Hehe.
"Di talaga kita natatandaan eh" sabi kong litong lito.
"Okay lang. Naiintindihan ko naman eh, ipapaalala ko nalang sayo, isa isa."
Natapos kaming kumain tapos kwento lang siya ng kwento tungkol samin. Pero.... Bakit habang pinapaalala niya yun sakin ay parang.... Ewan ko ba hays. Di ko na pala namalayan na may wine tasting chu chu kami ALAAAA late na ako ang strict pa naman ng prof namin!! Iniwan ko si Bryse pero nagpaalam naman ako sakanya. I don't want to be rude lol._________________________________________
Author's Note:
Haiiiiii thankyou sa reads! Shoutout kay ElaizaKamelle siya yung gumawa ng chapter 2. Sana basahin niyo pa to! I appreciate if you vote on this story! Thanks sa support!
BINABASA MO ANG
Not Your Kind Of Story
Novela JuvenilThis is not your typical story. Find out a story of a unique girl on her journey in finding herself that leads to love.