"Bakit nasa'yo pa din 'yan?" Wala sa sariling tanong ko sakanya habang nakaupo kami dito sa park."Ano?"
Medyo naguluhan ata siya sa tanong ko. Napaka-random ko naman kasi.
"Sabi ko bakit nasa'yo pa 'yung singsing?"
"This will be the sign of our friendship from now on." Sinuot niya 'yung singsing niya at ganoon din ang ginawa ko.
"Take that with you, forever."
"I will."
"Because this is mine." sagot niya.
Oo nga naman Mika! Sakanya kasi 'yon! Boba ka talaga!
"Eh bakit nasa'yo 'yung sakin?"
"Jeron, sa'yo na 'to. Peke naman pala." Pilit akong tumawa kahit walang nakakatawa.
Apat na araw na ang nakakalipas simula nung nireject niya ako at nandito ako para ibalik sakanya 'yung singsing dahil hindi ko matupad 'yung promise ko na hanggang friends lang kami. Tangina kasi nung feelings ko eh.
"I don't get it Mika." Kinuha niya 'yung kamay ko at isinuot muli ang singsing.
"Wag mo akong englishin. At kung ayaw mong tanggapin 'to, ako na mismo ang magtatapon." Hinubad ko 'yung singsing sa daliri ko at tinapon ito sa kawalan.
"Kasi hinanap ko."
Humarap siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Agad ko namang iniwas ang mga ito dahil baka umasa nanaman ako. Alam ninyo naman, lahat nagiging tanga sa pag-ibig. Mahirap na, baka bumigay agad ako.
"Alam mo Kang.."
Kang..
Napangiti ako. Ilang taon na ba simula ng marinig ko ang palayaw kong 'yan? Matagal na. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng pangalan na yan.
".. hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero sige. Naalala mo pa noong mga bata pa lang tayo? Sobrang close natin. We were the best of friends. Ni hindi nga tayo mapaghiwalay nila Mama at Tita eh. Ganoong level ang closeness natin. The day you confessed your love for me, I was shocked. Really. But I shrugged that off because you mean so much to me. Ayokong may magbago sa atin pero lumayo ka. Iniwasan mo ako at hindi na pinansin. After graduation, you left without saying a word. That hit me. Kinain ko lahat ng sinabi Kang...
Nabusog ako sa sarili kong mga salita. Grabe Kang, hindi ko akalain na magugustuhan kita kasi noon pa lang palagi kong nireremind 'yung sarili ko na 'Jeron, si Mika 'yan. Hindi ka maiinlove sakanya. Ang tropa ay tropa lang.' Pero wala eh. Akala ko 'yung turing ko sa'yo bilang kapatid ay mapaninindigan ko pero shit happened and I did not.
Nainis ako sa sarili ko nung binabalik mo saakin 'yung singsing natin. Tangina hindi ko alam 'yung gagawin ko noon! Parang sinabi mo sakin na 'friendship over, Jeron.'. Nakakainis Mika."
Napakahaba ng sinabi ni Jeron pero hindi ko man lang narinig 'yung gusto kong marinig.
"So what's the point of saying that?"
"I love you."
I felt something in my heart. Something strange. Something coming from the innermost of my whole self.
Anger.
BINABASA MO ANG
surreal
Short Story"I was once a believer of forever but it changed because my past was so hurtful. I once believed in fairytales and happy endings but shit happened and I fell for someone who didn't recognize my love for him. He hurt me and I started to believe that...