Chapter 38

4 1 0
                                    

Anika's POV

Once in a lifetime you meet someone who changes everything. May taong nagtatagal meron din namang hindi at agad umaalis. Hindi lahat ng taong pumapasok sa kwento ng buhay mo ay bida, minsan sila lang yung ekstra para matupad yung nakatadhanag istorya.

Siguro dumating siya sa buhay mo para mag improve ka at Iniwan ka niya para mag mature ka.

Sa buhay kasi ng tao walang sigurado, lahat ng bagay pwedeng magbago. That's why always remember that people will always leave and get used to it.

Nakakatawa lang isiping gusto kong magpakamatay kagabi pero naisip ko baka balikan nya ko. At kapag nagsuicide ako ng tuluyan, baka wala na syang balikan.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi, natulog, nagising, nag-ayos at pumasok ng wala sa sarili. Basta ang alam ko lang, nasa hallway na ko at rinig ko agad ang kwentuhan ng mga estudyante.

"Masarap talagang magbasa ng Diary ng di sayo no?"

"Haha. Oo nga!"

"Tingnan mo! Sarap basahin ng diary mo!"

"Huh? Anong diary?"

"Yung ano ... yung diary mo, DIARY NG PANGET! HAHAHA!"

Buti pa sila masasaya ako kaya kailan ulit?

"Eh yung Diary ng iniwan? Alam nyo na ba?"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko yun. Parang gusto ko nanaman tuloy umiyak.

Please lang, wag ngayon. Wala akong makipag-away.

"Diary ng iniwan? Baka diary ng nagmamakaawang balikan?" Sabi nung isa.

Haharap na sana ako sa kanila ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Diary ng sinapak dahil sa pagpaparinig kay Anika, narinig nyo na ba?"

Sarkastikong asik nya.

"Kayo tigil tigilan nyo yan ah! Pagsasasapakin ko kayo!" Pagbabanta nya.

Hinila nya ko kaya napasunod ako sa kanya. Minsan pala, hindi lang puro pagkain ang alam nya.

"Ano? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ni Hannah.

"Meron...puso ko." Sagot ko.

Natahimik sya sa sinabi ko kaya tahimik kaming nakarating ng classroom.

Mas lalong tumahimik ng pumasok kaming dalawa. Alam na siguro nila.

"Iba pa rin ako sa kanila!"

"Alien ka ba ha?"

Napalingon ako kay Alec at Kiara. Hindi nila siguro alam na andito na ko.

Natahimik sila ng makita ako.

'Iba ako sa kanila.' Yan rin ang sinabi nya sakin noon e. Akala ko patutunayan nya pero it turns out na katulad lang pala sya ng iba. Nang-iiwan kapag sawa na.

Lumapit sakin si Kiara at akmang yayakapin ako ng iharang ko sa kanya ang kamay ko. "Dont," pilit na ngiti kong sabi.

"Baka maiyak ako ulit." Pagpapatuloy ko.

"Bakit mo sya iiyakan kung pwede mo namang sampalin?" Tugon ni Chloe habang nakaupo sa tabi ko.

Umupo ako sa pinakadulong upuan. Sa likod ni Kiara at Alec.

Natahimik lalo at para lang nilang pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

"A-ah.. kain kaya tayo? Libre ko? Hehehehe," Alec.

"Wala akong gana," sabi ko.

"What?! Ibig sabihin hindi ka kumain kanina?!" Candy.

Hindi ako kumibo.

"Naghiwalay lang ayaw mo na agad kumain? Bakit dala dala ba nya pag alis nya ang kaldero nyo?" Brayden.

"Ang pag-ibig talaga, parang Math. Nakakaletche." Isha.

"Sa tingin nyo, babalikan pa nya ko?" Tanong ko habang tinitingnan ko silang lahat. Wala si Blake at Jared. Si Tracy din, wala.

Asan sya?

"Kapag gusto nyang balikan ka may paraan, kapag ayaw ... gago yan." Kate.

Napasinghap ako. Magmamahal lang rin naman pala ako, ba't dun pa sa gago?

"Never beg someone to stay, Anika. Kapah gusto nyang umalis, ihatid mo pa." Hailey.

"Lesson learned, wag magmamahal ng taong di ka kayang ipaglaban." Yuki.

Hindi ko na kinaya ang mga sinasabi nila kaya tumayo ako.

"San ka pupunta?" Xavier.

"Sa clinic, ang sakit ng ulo ko." Rason ko.

Ang mga school nurse kaya, kaya ring gamutin ang sugat sa puso?

~

Ayana's POV

Akala ko yung akin na yung pinakamasakit meron pa palang mas nakakaramdam. Si Anika.

"Asan si Anika?" Tanong ni Mr. Torres pagpasok nya.

"Nasa clinic po," Mark.

"Girls alam nyo, wag nyong ipaglaban ang taong iniwan kayo. Prinsesa kayo, hindi sundalo." Sabi nya sa amin.

Napayuko ako. Nag-guilty tuloy ako sa ginawa ko kahapon.

Naramdaman kong may tumabi sakin at nagulat ako ng makitang si Alec ito.

"Ahm, yung kahapon. Sorry kung iniwan kita."

Ngumiti ako ng pilit. "Oo na, busted na ko sayo."

"Hehe," napakamot sya sa batok nya. "Hindi naman sa ganun pero..."

"You love her, i know that."

Ngumiti sya na parang ako si Kiara. Iba ngiti nya e.

"Oo e, kaya sana magkaibigan pa rin tayo kahit..."

"Oo naman, makakaasa ka."

He's not confused. Naawa lang sya sakin kaya nasabi ni Kate na confused sya.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon