Chapter 40

9 2 0
                                    

Kate's POV

"Tubig is water. Ilog is river. Combined it together. Wala pa ring forever." Isha.

Saglit akong tumingin sa kanya at binalik ko ulit ang tingin sa laptop ko habang nagt-type.

"Pero promise, alam kong signature line ko ang walang forever pero kahit kailan hindi ko hiniling na magbreak sila." Naiiyak nyang sambit kaya napabuntong hininga ako.

"Kung may pagkain lang sanag pangpa-move on matagal ko na syang nilibre," saad naman ni Hannah habang ngumunguya.

Napatingin ako kay Kane na palapit samin at sa upuan ni Anika kanina. Wala na sya dun.

"Ito yung napili nya," sanay turo nya sa pinakahuling page ng coupon bond.

"Ano nagcredits ka ba?" Isha.

"Oo naman, sabi ko credits kay Isha'ng maganda. Hehe, bye!" Sabay alis nito.

"Alec libre mo ko!"

"Porket crush kita ililibre na kita? Aba naman ano ba gusto mong bilhin? Hehe." Alec.

Napalingon kami sa ingay nilang dalawa.

"Ako Alec, libre mo rin!" Napalingon ako kay Ayana.

Really? Seryoso sya?

Dumila si Alec. "Di kita crush, maganda ka pero di kita crush."

Napasimangot si Ayana at napairap. Isang irap ng nagm-move on.

"Buhay nga naman parang Math, ang hirap intindihin! Minsan madali, minsan naman mahirap." Candy.

"Kapag nagmahal ako, hindi ko hahayaang masaktan na lang ako ng ganun." Hailey.

Napangisi ako. "Dude, if you love someone you also giving him the power to destroy you."

Tumingin ako sa lahat ng tao sa canteen na andito ngayon. May kanya kanyang grupo ang iba, may nag-iisa, may nasasaktan, may nagmamahal, may nakangiti, may nagtitiis at may isang nagk-kwento.

Sabi nila, hindi mo kayang isulat ang isang kwento hanggat hindi mo pa nararanasan. Pero bakit ngayon? Tingnan ko lang silang lahat alam ko na kung ano ang emosyong itinatago nila.

~

Jayden's POV

Kanina pa kami paikot ikot sa mall pero kahit anong gawin ko hindi man lang sya ngumiti. Kapag naman tinatanong ko, isang sagot isang tanong ang nangyayari samin.

"Being inlove is a big mistake," pag uumpisa ko sa usapan.

Big mistake. Sya na ang pinakamagandang pagkakamali.

"Tumigil ka dyan sa kaechosan mo Jayden, never ka pang nainlove!" Anika.

Oo nga pala hindi nya alam.

"Oo nga, hehe," sabay kamot ko sa batok ko. "P-pero ano bang nararamdaman mo ngayon?"

"Being inlove is a big mistake at the same time sweet. Alam mo yun? Syempre di mo nga pala alama, di ka pa naiinlove."

"Anong pakiramdam ng masaktan?" Ako.

"Para kang nal-lunod--"

"Pero hindi ka mamatay matay?" Pagpapatuloy ko.

Tumango sya. "Kasi mas pinipili mong lumaban pa, kasi alam mo sa sarili mong may pag-asa pa."

Ibig bang sabihin, may pag-asa ako sayo kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako sumusuko?

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon