Tour Sleeping Habit... Ano Ako? Unan?

29 5 0
                                    

Tour Sleeping Habit... Ano Ako? Unan?

Habang umaandar ang bus ay panay ang salita ng tour guide nila. Karamihan sa mga estudyante, nakikinig yung iba naman hindi.

Lalo na ang mga nasa likuran.

Kasama na don sina Joshua, Kylie syempre si Christian. Nag-uusap lang kasi yung dalawa habang nag-si-sight seeing lang sa bintana si Christian.

Hayy., excursion na nga, may tour guide pa. Ano kaya yon? Nu ba naman to oh." Bulong ni Kylie sa sarili. Nabobore kasi talaga siya sa mga tour guides sa field trips. Nakakawala ng saya kasi minsan kailangan pa makinig. Buti sa likod siya nakaupo

“Kamusta sa room niyo? Mainit pa rin sila sayo?” Nabalik lang ang atensyon niya sa kausap sa pangangamusta ni Joshua sa kanya. Ngumiti lang siya sandali baka sumagot.

“Obserbahan niyo na lang sila ngayon.”

“Pa’no, pumapatol ka naman kasi sa lalakeng yan eh.”

“Naku Kuya paanong namang hindi? Eh sa talagang nakakaasar yan? Hindi ko na nga lang pinansin yung mga mata ng ibang babae kanina. Para akong tatadtarin sa sobrang talim. Sa paningin ko mga matador sila.” Explain ni Kylie na talagang nakabusangot na ang itsura.

“Easy lang. Nga pala, kapag inaantok ka..”

“Kuya talaga. Wag ka na mag-alala doon.”

“Sigurado ka?”

“Naman! Hindi ako matutulog” nagthumbs up pa siya para i-assure si Joshua.

PERO....                                                                                                                                              

Kahit anong pigil ang ginawa ni Kylie para hindi antukin..

Yan mas dinalaw pa siya ng antok.

Natalo pa tuloy siya. Masyado kasing malayo ang pupuntahan.

Idagdag pang forest ang tungo nila dahil camping type ang excursion.

Masyado nang mabigat ang talukap ng mata niya para dumilat at payuko-yuko na rin siya. Napansin iyon ni Joshua kaya ipinaling na lang niya ang ulo ni Kylie sa balikat niya para isandal dito.

“Lakas ng loob magsabing hindi matutulog eh babagsak din naman pala.” Walang ganang puna ni Christian habang nakatingin pa rin sa labas.

“Hindi mo siya masisisi. Maaga kasi tayong umalis at gumising. Tingnan mo nga rin yung iba oh. Tulog na rin.”

“Basta wag mong hayaang dumikit yan sa’kin. Pipitikin ‘ko talaga yan.”

“Oo na.”

Yun na nga..

Kasasabi palang iyon ni Christian nang biglang pumihit si Kylie papunta sa balikat niya at sumandal doon. Tiningnan muna niya ito bago tumingin ng makahulugan kay Joshua na nagulat din sa nangyari.

“Sandali lang.”

“Bilisan mo.” Pilit na pilit ang boses nilang dalawa para hindi magising si Kylie. Dahan-dahang kinuha ni Joshua si Kylie sa balikat ng kaibigan. Successful naman siya sa pagkuha sa pinsan niya. “Naku Joshua, bantayan mo talaga yang pinsan mo.”

Lumipas ang 15 minutong tulog si Kylie.

Tahimik na rin sina Christian sa magkabilang upuan.

Buong akala nila, hindi na gagalaw at lilipat pa si Kylie pero pumihit na naman siya kay Christian. Ganoon uli ang ginawa ni Joshua pero hindi talaga siya mapirme sa balikat niya.

Fight At First Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon