Paalala: Ang mga sumusunod ay pawang mga opinyon ko lamang. Kung anu-ano kasi ang naiisip ko kaya ko ito isinulat. Hindi ito story. Trip-trip lang. Gusto ko lang mambato nang walang tinitirang particular target. If you know what I mean. At sana may ma-bull's eye. *evil laugh* Mwahaha! *eksdi* :P
Naranasan mo na bang mag-abang ng taxi? Nasubukan mo na ba ang ma-inlove?
[P.S. Basahin with feelings para damang-dama. Hehehihi.]
✄- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ang love ay parang pag-aabang ng taxi.
Minsan maganda ang tungo ng kapalaran sa'yo kaya makakahanap at makakasakay ka kaagad. Minsan sakto lang, perfect timing kumbaga. Minsan naman aabutin ka pa ng siyam-siyam bago makatiyempyo ng isa. At mayroon ding mga pagkakataong may dumaan nga kaso napag-iwanan ka naman.
Bakit ka nga ba napag-iiwanan?
Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit nga ba...
Una.) May pasahero na.
May laman ng iba. Hindi na maghahanap ng ibang pasahero 'yan kasi nga may laman na. Ngunit subalit datapwa't, depende na lang kung etong si taxi driver ay hindi makuntento sa kung sinumang sakay niya. At depende na rin sa'yo kung gaano ka kadesperada na kahit may iba na, eh sasakay pa rin. Alangan namang makipagsiksikan ka diba? Well, pwede naman. Kung gusto mo talaga ede go, i-push mo yan. Kaso sa tingin mo, masusulit ba bayad mo? Sino sa tingin mo ang mas may benefit? Kayong mga pasahero o yung bwakanang drayber? Isip-isip din. Kapag may pasahero na, huwag na magtaka kung bakit iniwan. Huwag na ring mapilit, hindi lang 'yan ang nag-iisang taxi sa mundo, marami pang darating.
Pangalawa.) Hindi ka niya nakita.
Hindi siya bulag. Hindi rin siya snob. Sadyang invisible ka lang sa paningin niya. May mga pagkakataon kasing lumalabas ang super powers natin, hindi lang kili-kili powers ang tinutukoy ko dito, 'yun bang minsan (pwede ring madalas o kaya palagi) ay hindi ka niya pansin? Ano 'yun, multo-multuhan ang peg? Kaya hayun, dinaanan ka lang niya. Ano'ng napala mo? Wala. Nganga. Kaya naman sa susunod, PARAHIN MO. Huwag mo nang hintayin na ma-gets niya yung gusto mong mangyari. Kasi panahon ng mga taong shunga at shunga-shungahan ngayon. Yung mga tipong pagong, snail, loading, buffering, internet explorer, o sa maikling sabi, mga taong SLOW. So kung gusto mo talagang makasakay, huwag nang magpatumpik-tumpik pa, boom karakaraka!
Pangatlo.) Sa iba ka nakatingin.
May padaang taxi kaso ikaw sa iba nakatingin, hindi mo nakita, naiwan ka tuloy. Bakit ba kasi ang layo ng tingin mo at ang lalim ng iniisip mo? Bakit kasi nasa iba ang focus at attention mo? Tapos kapag naiwan ka, magsisisi ka? Lady Gaga lang ang peg? Minsan naman, binubusinahanan ka na nga pero kung anu-anong alibi sinasabi mo. At ang pinakacommon sa lahat: "May hinihintay pa ako." Ice yan 'tol! KUNG, may kasunod na isang malaking "kung", yung hinihintay mo eh totoong darating at susunduin ka talaga. Pero paano kung wala siyang balak siputin ka? Imbyerna diba? Ang sarap sigawan nung hinayupak na pumako sa kanyang pangako ng isang malutong na MADAPAKAH! sana...
Pang-apat.) Saksakan ka ng arte.
"Ayaw ko sumakay diyan." Bakit? "Di ko bet eh." Utooot mooo... Ayaw mo sumakay? Kesyo ba kalawangin na? Porke't old style? Aba'y de sana bumili ka na lang ng sarili mong sasakyan! Choosy ka pa teh? Buti nga WILLING SIYANG ISAKAY KA EH. Malay mo, wala lang talaga siyang ibang CHOICE kundi ikaw. Ladies and gentlemen, ilugar ang kaartehan. Ulitin ko po. ILUGAR ANG KAARTEHAN. Diyan kasi tayo madalas nadadale eh, sa kaartehan. Isipin mo na lang na kahit na chakabells 'yun, at least umaandar pa rin. Tiyaka kahit kalawangin sa labas, malay mo mabango't hindi mainit sa loob. Diba mas masarap sa feeling yun? Komportable ang biyahe, hassle free!
Panglima.) Ang bagal mo, naunahan ka tuloy.
Sa sobrang kupad mo, nakuha tuloy ng ibang pasahero. For your information dear, hindi lang ikaw ang nangangailangan ng taxi. Hindi lang ikaw ang nag-iisang pasahero sa mundo kaya huwag kang umasta na ikaw lang isasakay niya. Ano, haba ng hair? Nag-rejoice? Excuse me pero hindi 'yan maghihintay sa napakabagal mong diskarte habang-buhay lalo pa't may interesadong pumara sa kanya. Uso na mga makakapal ang mukha sa henerasyon ngayon, makiuso ka na rin. Keber mo 'yan friend, suportado kita. Prawmis. *insert commercial voice* Oooops! Teka muna... Huwag lang sumobra sa kapal ng mukha. Baka naman kasi career-in mo at matalo mo pa ang monumento ni Statue of Liberty sa tigas ng mukha mo. *insert commercial voice* Tandaan... Lahat ng sobra ay nakakasama.
At iyan ang limang dahilan kung bakit ka napag-iwanan ng taxi. Ngunit subalit datapwa't, marami pang ibang rason, dahilan, sanhi, etc. kung bakit hindi ka nakasakay. Malay mo nakialam na si tadhana at sinadya niya talagang maiwan ka kasi may nakahandang isang bonggang Maybach Exelero para sakyan mo o dili kaya'y sinadya niyang maiwan ka para matuto kang maghintay at para madala ka sa mga pagkakamali mo. Either way, everything happens for a reason.
Sa mga nakahanap na ng taxi nila, HAPPY TRIP AND MAY GOD BLESS YOUR WAY. At para naman sa mga nag-aabang pa, TIWALA LANG. Matatapos din ang pag-aabang mo at makakasakay ka rin. Makakapunta ka rin sa destinasyon mo. Hintayin mo lang, malapit na 'yun. Pero kung pumuti na ang mga mata't buhok mo kakahintay at wala ka ng ibang choice, ay hindi pala! May choice ka pa--- MAGLAKAD KA NA LANG. Pero (ulit) kung kaya mo pang maghintay, why not coconut? Gayahin mo na lang yung mga Koreana sa mga koreanovela: sumuntok sa hangin pataas at sumigaw ng DARNA, dejokelang, huminga ng malalim at sumigaw ng--- FIGHTING!~
Questions? Suggestions? Clarifications? Violent reactions? Feel free to leave your comments. Your feedbacks are deeply appreciated. THANK YOU SO MUCH! x
Godspeed. ✝
✎13♡
All rights reserved © 2013 Miss_Thirteen
BINABASA MO ANG
ANG TAXI
Teen FictionAll rights reserved © 2013 Miss_Thirteen ANG LOVE AY PARANG PAG-AABANG NG TAXI... Bakit? Kasi................