KABANATA 27

7.3K 387 29
                                    

"Jeff, hindi ba masyadong mahal dito?" Inililibot ni Jasmine ang tingin sa kapaligiran ng fine dining na pinagdalahan ko sa kanya. Hinila ko naman muna ang uupuan nito, bago ko ito inalalayang makaupo.

"Don't worry." Ako naman ang umuupo sa p'westo ko sa tapat ni Jasmine. "May pambayad ako para hindi ka maghugas ng plato." Nginisian ko ito.

Nag-blush ito; umiwas ng tingin. Nahalata ko naman na pagkatapos no'n ay nagulantang ito na tila may biglang naramdaman itong kung ano bandang kandungan nito.

Hinawakan ko ang kanang kamay nito na kapatong sa lamesa. "O, bakit?"

Sa halip na magsalita, kumalas si Jasmine sa pagkakahawak ko, upang dalawang kamay nitong makuha ang bagay na nakapatong sa kandungan n'ya. Ipinatong ito nito sa ibabaw ng lamesa.

It was the creepy book. Naaalala ko pa nang iniwan ito ni Jasmine sa aming suite, pero sinundan s'ya nito, tulad ng pagsunod nito sa akin nang napasakamay ko ito dati.

Sandaling nabalot kami ng katahimikan. Pareho kaming nakatitig sa libro.

"Is there any other way we could possibly get rid of that book?"

"I wish I know. Sana nga, malaman ko man lang kahit gatiting tungkol sa libro na 'to."

Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan nang hindi namin namamalayang...

"Pare?" It was John, may kasama itong babae. Napapasulyap ito kay Jasmine. "What are you doing here?" Tinapik-tapik ako nito sa balikat.

"We're staying here for the meantime habang inaayos pa 'yung lilipatan namin."

"We?" Muli itong napasulyap kay Jasmine.

"Yes, we. Oh by the way, Jasmine." Pagbaling ko kay Jasmine, "This is my best friend John. John," Pagbaling ko naman kay John, "This is my...girlfriend Jasmine." Alam kong nagulat si Jasmine, but I composed myself to appear casual about it.

"Hi Jasmine." Ani John, nakipagkamayan ito kay Jasmine bago ito muling bumaling sa akin, "I didn't know you're dating again."

Tumikhim ako. Pasikretong nakikipagsulyapan kay Jasmine, "Now you know. Ikaw ba, hindi mo ba kami ipakikilala sa ka-date mo?"

Tila nagulat pa si John sa tanong ko. "Oh, yes. Where's my manners when it's needed, right? John, Jasmine this is my date Hazel--" Napatanga ito sa kasama--maging kami ni Jasmine--nang napansin naming nakatitig ito sa libro sa ibabaw ng lamesa. Hinahawak-hawakan pa nito ito. Nakangiti ito na animo'y nakakita ng isang kagilagilalas na bagay. "What are you doing?" Pagsita ni John sa ka-date n'ya.

"Akala ko, hindi ko na makikita sa personal ang librong ito." Sagot nito.

"B-bakit? May alam ka ba tungkol sa librong 'to?" tanong ni Jasmine kay Hazel. Tumango naman agad ang huli.

"Alam n'yo?" Pagsingit ko habang natatanaw ko na ang waiter na papalapit na sa amin. "Why don't we share the table na lang. Let's have dinner together." Tumayo ako at umupo sa pwestong katabi ni Jasmine sa parisukat na lamesa.

Kinuha naman ni John ang dati ko inupuan--sa tabi ko, para sa kanyang sarili, at sa tapat ko naman--sa tabi ni Jasmine, umupo ang ka-date nitong si Hazel. Kinuha ng waiter ang mga order namin immediately after we get settled.

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon